Samantalahin ang paglalakbay ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe, paanyaya ni Bishop Bagaforo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,606 total reads

Hinikayat ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na salubungin nang buong pananampalataya ang paglalakbay ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa iba’t ibang arkidiyosesis at diyosesis sa bansa.

Sinabi ng obispo, na siya ring spiritual director ng Our Lady of Guadalupe Philippine Pilgrimage 2026, na samantalahin ang pagkakataong ito bilang panahon ng biyaya, panalangin, at espirituwal na pagbabago.

Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na hindi dapat palampasin ng mga mananampalataya ang natatanging pagdalaw ng Mahal na Ina sa kani-kanilang lugar.

“As Our Lady of Guadalupe graciously visits the Arch/Dioceses of the Philippines, let us not allow this extraordinary moment of grace to pass us by.”

Hinikayat ng obispo ang bawat mananampalataya na lumapit sa Mahal na Birhen nang may matatag na pananampalataya, idulog ang kanilang mga panalangin sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang pamamagitan, at ipagkatiwala sa kaniya ang kanilang mga pamilya at ang buong sambayanan.

“Come before her with faith, pray through her loving and powerful intercession, and entrust to her our families and our beloved country.”

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang paglalakbay ng pilgrim image ay hindi lamang pagpapakita ng malalim na debosyon sa Mahal na Birhen kundi paanyaya ring higit pang mapalapit kay Hesukristo.

“May she lead us to her Son, Jesus Christ, and obtain for us the healing, conversion, hope, peace, and renewal that our nation so deeply needs.”
Muli ring ipinagkatiwala ng obispo ang Pilipinas sa pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria.

Ang anim na buwang paglalakbay ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Pilipinas ay bahagi ng paghahanda ng Simbahan para sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego sa Tepeyac, Mexico na gugunitain sa 2031.

Inaasahang bibisitahin ng pilgrim image ang mahigit 50 katedral, dambana, at mga parokya sa buong bansa bilang paanyaya sa mas malalim na pananampalataya, pananalangin, at pagbabalik-loob kay Kristo sa pamamagitan ni Maria.

Kasalukuyang nasa Archdiocese of Cagayan de Oro ang imahe matapos ang tatlong araw na pagbisita sa Misamis Occidental kung saan isa ito sa mga naging tampok na pagdiriwang sa pagtitipon ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,530 total reads

 42,530 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,926 total reads

 139,926 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 184,195 total reads

 184,195 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 207,304 total reads

 207,304 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,579 total reads

 280,579 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top