The Pursuit of Justice Must Continue Beyond the Headlines, paalala ni Bishop Bagaforo sa mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total views

Nanawagan si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, convenor ng InterReligious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT), na ipagpatuloy ang pagsusulong ng pananagutan sa iba’t ibang usapin ng katiwalian sa bansa at huwag hayaang matabunan ito ng nagpapatuloy na impeachment proceedings.

Sa inilabas na pahayag ng Obispo na may titulong “The Pursuit of Justice Must Continue Beyond the Headlines,” sinabi ni Bishop Bagaforo na siya ring chairperson ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue na positibong hakbang ang pagpapatuloy ng proseso ng impeachment bilang patunay na gumagana ang mga demokratikong institusyon at umiiral ang rule of law sa bansa.

Ayon sa Obispo ang pag-usad ng impeachment trial laban sa bise presidente ay isa ring patunay na walang sinuman ang dapat na mas mataas sa batas at ang bawat lingkod bayan ay may pananagutan sa tiwalang ipinagkaloob ng sambayanan.

“Whatever one’s political position may be, we are grateful that constitutional processes are being allowed to take their course. This reminds us that in a democracy, no one is above the law and accountability remains essential to preserving public trust,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Gayunman, iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi dapat mawala sa pansin ng publiko ang iba pang mahahalagang usapin ng katarungan, partikular ang mga alegasyon ng katiwalian sa mga flood control projects.

Hinimok din ng Obispo ang Office of the Ombudsman na agad isulong ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga sangkot sa umano’y anomalya matapos lumitaw ang mga seryosong alegasyon sa mga isinagawang imbestigasyon sa Kongreso.

“We urge the Office of the Ombudsman to immediately pursue the filing of cases against those implicated in the alleged corruption surrounding flood control projects. Congressional investigations have already uncovered serious allegations and identified personalities who must now face the proper legal processes. The Filipino people deserve to see that those who misuse public funds are held accountable.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan din si Bishop Bagaforo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ihayag sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang mga kongkretong hakbang na ginawa ng administrasyon laban sa mga responsable sa katiwalian sa flood control projects sa bansa.

“We likewise call on President Ferdinand Marcos Jr. to report, in his forthcoming State of the Nation Address, the concrete actions his administration has taken against those responsible for these anomalies. During his previous SONA, the President vowed to go after those who stole funds intended to protect our communities from devastating floods. The nation now awaits tangible results from that commitment.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Kasabay nito, iginiit din ng Obispo na hindi rin dapat maantala ang iba pang mga usapin ng pananagutan kabilang ang pagpapatupad ng mga legal na proseso kaugnay ng arrest warrants ng International Criminal Court (ICC), mga imbestigasyon sa umano’y obstruction of justice, at ang mga hindi pa nareresolbang isyu kaugnay ng Pharmally procurement noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, ang katiwalian ay isa sa pinakamabigat na pagtataksil sa tiwalang ipinagkakaloob ng taumbayan sa mga pinuno ng bansa kaya naman naaangkop lamang na mapanagot ang lahat ng mga sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan.

“Corruption remains one of the gravest betrayals of public trust. Every peso stolen from flood control projects, health services, education, and other basic needs deprives countless Filipinos—especially the poor and vulnerable—of the protection and dignity they deserve. Our nation cannot move forward if impunity continues to prevail.” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.
Samantala muli ring hinikayat ng Obispo ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay at makilahok sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa bansa.
Ayon kay Bishop Bagaforo, mahalagang manatiling aktibo at alerto ang bawat mamamayan sa pakikisangkot at pananawagan para sa katarungan, pananagutan, at katapatan ng mga lingkod ng bayan.

“We therefore call upon our fellow Filipinos to remain mapagmasid, makialam, at kumilos. Let us continue to demand justice, accountability, and fairness from all public officials, regardless of political affiliation or position. The work of nation-building requires an active citizenry that refuses to normalize corruption and insists that the truth prevail.” Ani Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ng Obispo, tanging sa pamamagitan ng tunay na pananagutan maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan at maisusulong ang isang lipunang nakabatay sa katotohanan, katarungan, at kabutihang panlahat o common good.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 57,070 total views

 57,070 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 87,292 total views

 87,292 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 113,943 total views

 113,943 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 208,916 total views

 208,916 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 226,259 total views

 226,259 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top