Korapsyon at environmental plunder, nagpapalala sa climate crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,577 total reads

Bibigyang-diin ng mga makakalikasang grupo na hindi lamang climate change ang nagpapalala sa krisis pangkalikasan sa Pilipinas kundi maging ang korapsyon at pagsasamantala sa likas na yaman.

Ito ang pangunahing tatalakayin sa State of the Philippine Environment (SPE) Forum 2026 na gaganapin, bukas, July 10, sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City sa pangunguna ng Center for Environmental Concerns-Philippines at iba pang katuwang na organisasyon.

Ayon sa CEC-Philippines, nananatiling kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinakaapektado ng climate-related disasters, subalit lumilitaw na ang pinsalang dulot ng mga pagbaha, malalakas na bagyo, tagtuyot, at pagguho ng lupa ay lalo pang pinalalala ng mahinang pamamahala sa kalikasan at katiwalian sa paggamit ng pampublikong pondo.

Tatalakayin din sa forum ang katiwalian at greenwashing sa mga proyektong may kaugnayan sa climate adaptation at imprastraktura, gayundin ang epekto ng malawakang pagmimina, reclamation, malalaking energy projects, public-private partnerships, at dayuhang pamumuhunan sa pagkasira ng kalikasan at paglikas ng mga komunidad.

Sinabi ng CEC-Philippines na patuloy ring dumarami ang mga pag-atake at pananakot laban sa mga environmental defender na tumututol sa mga mapaminsalang proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Inaasahang magbibigay ng kani-kanilang pananawa at karanasan ang mga kinatawan ng civil society organizations, people’s organizations, environmental advocates, at mga dalubhasa hinggil sa kalagayan ng kapaligiran, climate crisis, at pamamahala sa kalikasan ng bansa.

Binibigyang-diin sa Laudato Si’ na hindi maihihiwalay ang pangangalaga sa kalikasan sa pagsusulong ng katarungan at paggalang sa dignidad ng bawat tao.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 32,177 total reads

 32,177 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 32,401 total reads

 32,401 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 68,391 total reads

 68,391 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 188,969 total reads

 188,969 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 239,326 total reads

 239,326 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 366,108 total reads

 366,108 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 232,817 total reads

 232,817 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top