Hindi mabisa ang paglilingkod ng simbahan kung hindi nakatuon sa pag-ibig ng diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 235 total views

Umapela si Tabuk Bishop Sean Mejia sa mga kapwa pastol ng Simbahan na muling ibalik sa sentro ng misyon ang habag
ng Diyos upang tunay na matugunan ang kalagayang sugatan ng sambayanan at maging tapat sa pagpapahayag ng
Ebanghelyo.
Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa banal na misa sa Holy Rosary Parish sa Oroquieta City, Misamis
Occidental, sa pagtatapos ng ikalawang araw ng ika-132 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines (CBCP).
Ayon kay Bishop Mejia, hindi magiging mabisa ang paglilingkod ng Simbahan kung hindi ito nakatuon sa pag-ibig ng Diyos,
na siyang pinagmumulan ng bokasyon at misyon ng bawat Kristiyano.
“We cannot touch the wounds of our people if we have forgotten the tender, initial touch of God upon our lives. Let us
not forget God, whose merciful love is eternal,”
ayon kay Bishop Mejia.
Sinabi ng obispo na bagama’t nahaharap ang Simbahan sa iba’t ibang programa, istruktura, at mga hamon ng makabagong
panahon, mahalagang patuloy na bumalik sa pinagmumulan ng misyon nito, ang Diyos na unang umibig at tumawag sa
Kanyang bayan.
Tinuran ni Bishop Mejia ang kahalagahan ng slogan ng Misamis Occidental na “Una ang Ginoo” na magandang paalala sa
bawat isa na manatiling nakatuon kay Kristo sa anumang panahon at paraan ng paglilingkod.
“Your slogan here in Misamis is ‘Una ang Ginoo.’ It is a powerful reminder that in the midst of progress, let us not forget
God,”
dagdag ng obispo.
Hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na pairalin ang habag sa halip na paghuhusga sa harap ng mga hidwaan,
kalamidad, at iba pang pagsubok na kinakaharap ng lipunan.
“God’s holiness is not a barrier that keeps Him away from our brokenness. It is rather the engine that propels His mercy
to reach out to us,”
giit ni Bishop Mejia.
Paalala pa ng pastol na ang Simbahan ay hindi samahan ng mga perpektong tao kundi ng mga makasalanang pinatawad
ng Diyos.
Sa pagtalakay sa misyon ng Simbahan, sinabi ng obispo na ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay pananagutan ng bawat
binyagan at hindi lamang ng mga obispo, mga pari, at mga relihiyoso.
“We recognize that the mission is not reserved for the ordained. It is the birthright of every baptized Christian,” aniya.
Iginiit din ng obispo na higit na kailangan ng Simbahan ang mga tunay na saksi ni Kristo kaysa sa mga taong may malawak
na kaalaman lamang tungkol sa pananampalataya.
Mensahe ni Bishop Mejia sa kanyang mga kapwa obispo na manatiling tapat sa kanilang bokasyon sa kabila ng mga hamon
sa pamamahala at paglilingkod.
“Whether we face administrative crises or the hostility of the world, we remember that the mission belongs to Him. We
do not need to succeed by worldly standards. We only need to be faithful to the One who sent us,”
ayon pa kay Bishop
Mejia.
Bukod sa mga obispo sa bansa dumalo rin sa pagtitipon ang mga kristiyanong pamayanan ng Oroquieta City gayundin ang
mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lunsod at ng buong lalawigan ng Misamis Occidental.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,182 total views

 84,182 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,404 total views

 114,404 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,054 total views

 141,054 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,027 total views

 236,027 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,515 total views

 251,515 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top