PBBM, hinimok na sertipikahang urgent ang panukalang 200-pesos na legislated wage increase

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,460 total reads

Nanawagan ang NAGKAISA labor coalition kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang kagyat na pagpasa sa panukalang 200-pisong national legislated wage increase.

Iginiit ng grupo na hindi sapat ang 85-pesos na arawang pagtaas sa minimum wage sa National Capital Region sa bisa ng desisyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Nilinaw ng grupo na bumababa ang tunay na halaga ng sahod dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, pabahay, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sinabi ni Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at NAGKAISA! national chairperson na dapat nang suportahan ng administrasyon ang panukalang 200-pesos na dagdag-suweldo sa halip na umasa sa kasalukuyang regional wage board system.

“”Mr. President, stop hiding behind the broken regional wage board system. Workers cannot eat cumulative wage adjustments spread over several years while prices rise every single day. If your administration truly stands with Filipino workers, support the
immediate passage of the ₱200 National Legislated Wage Increase. Poverty wages are unacceptable, and justice delayed is justice denied,” ayon sa mensahe ni Matula na pinadala ng NAGKAISA sa Radyo Veritas.

Nanawagan din ang NAGKAISA! Kay Pangulong Marcos na sertipikahang urgent measure ang panukala upang agad na kumilos ang Kongreso.

Kasabay nito, iginiit ng labor goups ang pangangailangan ng malawakang reporma sa wage-setting mechanism upang matiyak na ang sahod ng mga manggagawa ay tumutugon sa totoong gastusin sa pamumuhay at nakapagtataguyod ng marangal na pamumuhay para sa bawat pamilyang Pilipino.

Patuloy na binibigyang-diin ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng makatarungang pasahod at paggalang sa dignidad ng paggawa.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 61,228 total reads

 61,228 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 233 total reads

 233 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 116,430 total reads

 116,430 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 237,010 total reads

 237,010 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 287,353 total reads

 287,353 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 38,982 total reads

 38,982 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top