Gamitin ang AI nang may pananagutan at paggalang sa dignidad ng tao, apela ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,236 total reads

Binigyang-diin ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma at Vatican correspondent ng Radio Veritas, ang panawagan ni Pope Leo XIV na tiyaking nagsisilbi sa kabutihang panlahat ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI).

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Fr. Gaston na nagpadala ng mensahe ang Santo Papa sa pandaigdigang kumperensya tungkol sa Artificial Intelligence na ginanap sa Switzerland noong Hulyo 7 hanggang 10, 2026 kung saan hinimok ni Pope Leo XIV ang mga kalahok na gamitin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan at paggalang sa dignidad ng tao.

Ayon kay Fr. Gaston, kinikilala ng Santo Papa ang malaking pakinabang ng AI ngunit binabalaan din ang mundo sa mga panganib nito kung mawawala ang papel ng tao sa mahahalagang pagpapasya.

Ipinaliwanag ng Pari na bagama’t maraming naidudulot na kabutihan ang AI, maaari rin itong magdulot ng panganib kung mawawala ang pagpapasya ng tao, lalo na sa paggamit nito sa mga sandata at iba pang sistemang nakabatay lamang sa mga algorithm na maaaring magkamali at magbunga ng paglabag sa buhay at karapatang pantao.

“Maraming napakagandang bagay sa Artificial Intelligence, meron ding hindi masyadong maganda. Minsan nawawala na yung tao, nawawala na yung desisyon ng tao. Minsan itong naririnig natin, itong mga drones, mga weapons, mga bomb, sino’ng magde-decide? Hindi na yung tao, kundi yung mga algorithms na nakaprogram na. Eh kung magkamali, may mga kabataan pala, tuloy pa rin, papatayin pa rin,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, hinihikayat ni Pope Leo XIV ang mga Kristiyano na pag-aralan at unawain ang mga bagong teknolohiya upang magabayan ang mga ito ayon sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo at magamit nang naaayon sa dignidad ng tao at sa kabutihang panlahat.

Ayon kay Fr. Gaston, nais ng Santo Papa na dalhin si Kristo hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa larangan ng agham, kultura, sining, politika, teknolohiya, paaralan, lugar ng trabaho, at sa pang-araw-araw na buhay.

Inihayag din ng Pari na hindi lamang sa usapin ng Artificial Intelligence nakatuon ang misyon ni Pope Leo XIV kundi maging sa iba pang larangan ng lipunan.

“Kaya yan ang mag-ingat rin tayo sa AI, kaya gusto ni Pope Leo XIV ay talagang mapasok at makabisado natin ng mas malaman natin itong teknolohiyang ito. Kaya si Pope Leo XIV mismo ay babad na babad at ini-encourage tayong lahat hindi lamang sa Artificial
Intelligence pati sa ibang mga bagay sa culture, sa arts, sa politics, the sciences dun natin dadalhin at dinadala si Hesus. Kaya kung nasaan man tayo kung nasa palengke, sumasakay tayo, nagtatrabaho tayo, o nag-aaral tayo doon natin dalhin si Hesus sa buong mundo, hindi lamang sa Parokya, hindi lamang sa Sunday.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay patuloy na magamit upang itaguyod ang kapayapaan, katarungan, at paggalang sa dignidad ng bawat tao, sa halip na maging kasangkapan ng karahasan at pagkawasak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,308 total reads

 42,308 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,729 total reads

 139,729 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,998 total reads

 183,998 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 207,107 total reads

 207,107 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,386 total reads

 280,386 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top