Solemn declaration ng Holy Spirit church, pinangunahan ni Antipolo Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,570 total reads

Hinikaya ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na gawing sentro ng pananalangin, pananampalataya, at pilgrimage ang bagong Holy Spirit Church sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kasunod ng Blessing of the Altar at Solemn Declaration ng simbahan sa ilalim ng Diocese of Antipolo.

Ayon kay Bishop Santos, ang bagong simbahan ay magiging lugar kung saan higit na mararanasan ng mga mananampalataya ang pag-ibig at awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga banal na sakramento, pananalangin, at paglilingkod sa kapwa dahil ang pagtatayo ng simbahan ay sumasalamin sa pagkilos ng Diyos sa puso ng mga taong handang maglingkod para sa kabutihan at kabanalan ng sambayanan.

“Ngayon po ay ginaganap ang Blessing of the Altar ng Holy Spirit Church. Ito po ay dahil sa kagandahang-loob ng Dizon Family, ng kanilang matriarch na si Sharon Dizon, ng kanyang mga anak, at ng buong pamilya, na siyang nagpagawa ng simbahang ito. Ang buong simbahan ay kanilang ibinigay bilang regalo sa Diocese of Antipolo. Ang mangangasiwa naman dito ay ang PACEM Missionaries, sa pamumuno at pangangasiwa ng Mary Mother of the Church Parish. Dito po natin makikita na ang lahat ay nagtutulungan, lahat ay nagbibigayan, at lahat ay handang maglingkod at magpakasakit para sa kaluwalhatian ng Diyos, para sa kabutihan at kabanalan ng sambayanan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Binigyang-diin ng Obispo na ang pagtatayo ng isang simbahan ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng komunidad dahil sa bawat bahay ng Diyos na naitatayo ay nabibigyan ang mga mananampalataya ng pagkakataong higit na mapalalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon at sama-samang maisabuhay ang kanilang pananampalataya.

“Dito rin natin nakikita na ang Diyos ay kumikilos. Hindi Siya nagpapabaya, hindi nag-iiwan, at ginagalaw Niya ang puso ng mga tao upang maitayo ang bahay ng Diyos—ang simbahan. Ito po ang naganap at aming ipinagpapasalamat sapagkat dito sa Barangay Dolores, Taytay, ay mayroon na namang bagong simbahan kung saan mararanasan ng mga tao ang pag-ibig at awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga sakramento at ng pagtulong sa kapwa, kami po ay nagpapasalamat, at kayo po ay aming inaanyayahan na pumunta at magsimba rito,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa Dizon Family at Seven Rose Petals Development Corporation na primary developers ng simbahan at sa pangunguna ng kanilang matriarch na si Sharon Dizon, sa pagkakaloob ng Holy Spirit Church bilang handog sa Diocese of Antipolo kasunod ng pagpapasalamat sa Mary Mother of the Church Parish sa pangangasiwa sa bagong simbahan upang patuloy itong maging tahanan ng pananalangin at biyaya para sa mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,175 total reads

 10,175 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,685 total reads

 49,685 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,985 total reads

 84,985 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,254 total reads

 311,254 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,018 total reads

 204,018 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top