Pope Leo XIV, nanawagan sa international community na isulong ang dayalogo at diplomasya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total views

Muling nanawagan si Pope Leo XIV sa pandaigdigang pamayanan na isulong ang dayalogo at diplomasya sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Iginiit ng Santo Papa na ito lamang ang tunay na daan tungo sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo noong July 12 inihayag ng Santo Papa ang kanyang pagkabahala sa patuloy na paglaganap ng mga armadong tunggalian na patuloy na kumikitil ng buhay ng mga inosente.

“Unfortunately, the winds of war are blowing once again in the Middle East, in Ukraine and in many other parts of the world, sowing violence, terror and death, and once again affecting many innocent people,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ni Pope Leo na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sangkatauhan sa kabila ng mga umiiral na digmaan at karahasan.

“I renew my hope that we will persevere on the path of dialogue, encounter and diplomacy. This is the only path capable of leading to a just and lasting peace, in which peoples can live in reconciliation, mutual security and respect for the dignity of every person,” ani ng Santo Papa.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo tungkol sa Talinghaga ng Manghahasik, binigyang-diin naman ni Pope Leo ang walang sawang pagmamahal at pagtitiwala ng Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng kahinaan ng tao.

Ayon sa punong pastol, hindi tumitigil ang Diyos sa paghahasik ng Kanyang Salita sapagkat nananatiling higit na makapangyarihan ang Kanyang pag-ibig kaysa sa kahinaan ng tao.

“The Father never ceases to sow, because he knows that the power of his love is stronger than our weakness,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Paalala nito na hindi nawawalan ng tiwala ang Panginoon sa bawat tao at sa kakayahan nitong magbago sa tulong ng pananampalataya.

“The Lord, who knows the soil of our hearts better than we, never ceases to believe in us — in who we are and in who we can become, day by day, if we entrust ourselves to him in faith,” dagdag pa ng Santo Papa.

Hinimok din ni Pope Leo ang mga mananampalataya na pagyamanin ang pakikinig, pagbabasa at pagninilay sa Salita ng Diyos, lalo na sa panahon ng bakasyon, upang magbunga sa kanilang buhay ang mga kaloob ng Espiritu Santo.

Dalangin ni Pope Leo na sa pamamagitan ng panalangin, pagninilay sa Salita ng Diyos at patuloy na pagtitiwala sa Panginoon ay maging mga tagapaghatid ng Mabuting Balita at mga instrumento ng kapayapaan ang bawat Kristiyano sa gitna ng mundong nahaharap sa digmaan at pagkakahati-hati.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 173,405 total views

 173,405 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 203,628 total views

 203,628 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 230,274 total views

 230,274 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 325,247 total views

 325,247 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 335,032 total views

 335,032 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top