Synodal conversion, yayakapin ng simbahan sa Asya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,912 total reads

Iginiit ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na ang natatanging pagkakaiba-iba ng Asya ang mahalagang ambag nito sa pandaigdigang Simbahan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa panawagan ni Pope Leo XIV na maging instrumento ng pagbubuklod ng pamayanan at hindi taga-paghasik ng pagkakahati-hati.

Sa pagninilay ng kardinal sa mensahe ng Santo Papa para sa ika-12 Plenary Assembly ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) sa July 20 hanggang 26, sinabi nitong ang mayamang pagkakaiba-iba ng mga mamamayan, kultura, at relihiyon sa Asya ay nagsisilbing lakas upang isulong ang pagkakaisa.

“Asia has always been a continent of extraordinary diversity. Perhaps for that very reason, she has something important to offer the universal Church: not uniformity, but communion; not conquest, but encounter; not walls, but bridges,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng vice president ng FABC na ang mensahe ni Pope Leo XIV ay malinaw na paanyaya sa Simbahan na yakapin ang synodal conversion at patuloy na maging instrumento ng pagkakaisa sa gitna ng isang mundong nahaharap sa mga hidwaan at pagkakahati-hati.

“The Holy Father speaks of the Church as a builder of communion rather than an architect of Babel,” ani Cardinal David.

Ayon sa kardinal, ang panawagan ay kaakibat ng paalala ng Santo Papa na ang bawat pagpapasya ng Simbahan ay dapat naaayon sa kalooban ng Diyos at laging nakatuon sa kapakanan ng tao.

“He invites us to place God at the horizon of all our decisions and the human person at their center,” aniya.

Hinikayat din ni Cardinal David ang Simbahan na huwag matakot harapin ang mga hamon ng kasalukuyang panahon at makibahagi sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

“He encourages us not to be afraid of getting our hands dirty on the building site of today’s world,” dagdag pa nito.

Inihayag ng kardinal na si Hesukristo ang sentro ng tunay na synodal conversion dahil Siya ang nag-uugnay sa Diyos at sa sangkatauhan.

Dagdag pa niya, ang tunay na pagbabago ay makikita sa pagsunod sa halimbawa ni Kristo at magiging daan sa pagbubuklod.

“Synodal conversion therefore means allowing ourselves to be drawn into his way of building bridges—with peoples, cultures, religions, the poor, and our common home,” aniya.

Isasagawa ang ika-12 plenary assembly ng FABC sa Jakarta, Indonesia, kung saan magtitipon ang mga obispo mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 25,375 total reads

 25,375 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,698 total reads

 110,698 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 148,071 total reads

 148,071 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 179,330 total reads

 179,330 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 251,061 total reads

 251,061 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top