Pangangailangan ng jeepney drivers, tinugunan ng CMSP CARES

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,266 total reads

Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na naglalayong makatulong sa mga jeepney at tricycle drivers na patuloy na humaharap sa hamon ng kabuhayan.

Ayon sa CMSP, bahagi ang programa ng patuloy nitong misyon na samahan at suportahan ang mga komunidad sa pamamagitan ng kongkretong pagkakawang-gawa, lalo na ang mga manggagawang araw-araw na humaharap sa matinding hamon sa paghahanapbuhay.

Pagbabahagi pa ng CMSP, ang inisyatiba ay tugon sa patuloy na pagsusumikap ng mga drayber na magsilbi sa kanilang komunidad sa kabila ng pagtaas ng gastusin at iba pang suliranin sa sektor ng transportasyon.

“The outreach program forms part of the Conference’s continuing commitment to accompany communities through concrete acts of charity and solidarity, especially those whose livelihoods are marked by daily economic challenges.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Nagpasalamat ang CMSP sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng community pantry, na anila’y pagpapakita ng sama-samang misyon ng mga relihiyoso na ipadama ang habag at pagmamahal ni Kristo sa kapwa.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang samahan sa Most Holy Trinity Parish sa pangunguna ng kanilang pamunuan sa pagtanggap at pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang outreach activity para sa mga tsuper sa komunidad.

“CMSP expressed its sincere gratitude to everyone who contributed to the success of the initiative, emphasizing that the community pantry reflects the shared mission of consecrated persons to bring Christ’s compassion to those in need. The Conference also acknowledged the Most Holy Trinity Parish for hosting the activity and for its partnership in making the outreach accessible to the local community.” Dagdag pa ng CMSP.

Noong Hulyo 10, 2026 pinagkalooban ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pamamagitan ng CMSP Cares Community Pantry ng mga food packs at pangunahing pangangailangan ang mahigit 300 tsuper ng jeepney at traysikel na isinagawa sa Most Holy Trinity Parish sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Naging posible ang pamamahagi ng ayuda sa tulong ng mga donor, iba’t ibang religious congregations, mission partners, at mga volunteer na patuloy na nakikiisa sa mga gawaing paglilingkod ng Simbahan para sa mga higit na nangangailangan.

Sa pamamagitan ng CMSP Cares, patuloy na isinusulong ng CMSP ang kultura ng pagkakawanggawa, pagkakaisa, at pag-asa bilang kongkretong pagsasabuhay ng Ebanghelyo sa paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

“Through CMSP Cares, the Conference of Major Superiors in the Philippines continues to strengthen its mission of responding to the needs of vulnerable sectors while fostering a culture of generosity, solidarity, and hope rooted in the Gospel.” Ayon pa sa CMSP.

Nanawagan din ang CMSP sa mamamayan na patuloy na magkaisa sa pagtulong sa mga nangangailangan bilang konkretong pagpapahayag ng malasakit at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 25,470 total reads

 25,470 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,788 total reads

 110,788 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 148,161 total reads

 148,161 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 179,420 total reads

 179,420 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 251,149 total reads

 251,149 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,308 total reads

 33,308 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top