Prosekusyon, tinanggal sina Zuleika Lopez at Capt. Belinda Bello sa listahan ng mga testigo sa Article IV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,422 total reads

Tinanggal na ng House prosecution sa listahan ng mga testigo sina si Atty. Zuleika Lope, ang chiel of staff Vice President Sara Duterte at House Legislative Security Bureau Executive Director Capt. Belinda Bello sa pagdinig ng Article IV ng impeachment trial.

Ayon kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, hindi na kinakailangan ang kanilang testimonya matapos suriin ng prosekusyon ang mga ebidensya at testimonya ng unang dalawang testigo mula sa National Bureau of Investigation o NBI.

“It is the wisdom of the public prosecutors… that we find it totally unnecessary, redundant and a surplusage to still present Atty. Zuleika Lopez and, as well, Capt. Belinda Bello,” ayon kay Kapunan.

Ipinaliwanag niya na layunin sanang patunayan ni Lopez ang tatlong bagay kaugnay ng online press conference ni Vice President Duterte noong Nobyembre 23, 2024—na naroon siya sa House detention center nang gawin ang mga pahayag, na narinig ito ng media, at na tunay ang video na iniharap bilang ebidensya.

Gayunman, sinabi ni Kapunan na hindi na ito kailangan dahil inamin na mismo ng depensa na naganap ang naturang press conference at ginamit pa ang parehong video sa kanilang presentasyon.

Dagdag pa niya, “The defense themselves used the very same video… So by their own admission, there is no question about this video.”

Samantala, sinabi rin ni Kapunan na magiging corroborative o pantulong lamang ang testimonya ni Capt. Belinda Bello kaugnay ng utos na ilipat si Lopez sa loob ng House detention facility, na naging bahagi ng konteksto ng naturang press conference.

Dahil dito, sinabi ni Kapunan na nabawasan ng dalawang testigo ang ihaharap ng prosekusyon sa Article IV, na tumatalakay sa sinasabing pagbabanta ni Vice President Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 6,111 total reads

 6,111 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 45,701 total reads

 45,701 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 81,090 total reads

 81,090 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 307,359 total reads

 307,359 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 200,407 total reads

 200,407 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,196 total reads

 7,196 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top