Maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,347 total reads

Nanawagan si San Juan Lone District Representative Ysabel Maria Zamora, miyembro ng House Prosecution Panel, sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Zamora na mahalagang personal na subaybayan ang mga pagdinig upang makita ang mga ebidensyang inihaharap ng magkabilang panig.

Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi lamang dapat umasa sa mga balitang nababasa o napapanood lalo na sa social media sa halip ay subaybayan mismo ng taumbayan ang kabuuan ng proseso upang magkaroon ng patas na pag-unawa sa mga argumento ng prosekusyon at depensa.

“Sa mga mainstream media at sa social media, sana po ay maging mapanuri tayong lahat sa mga balitang lumalabas tungkol sa impeachment. Panoorin po natin kung ano talaga ang nangyayari upang makita natin ang dalawang panig.

Hindi ko po ito sinasabi dahil bahagi ako ng prosecution panel, kundi upang makita ng publiko ang ebidensyang inilalahad ng prosecution at ang depensa ng kabilang panig,” Bahagi ng pahayag ni Zamora.

Iginiit din ng kongresista na malinaw sa Senate Rules on Impeachment Trials na ang lahat ng kalahok sa paglilitis, kabilang ang mga Senator-Judges, prosecutors, at defense lawyers, ay inaasahang magpakita ng pagiging patas at walang kinikilingan sa buong proseso.

Ayon kay Zamora, nararapat lamang na iwasan ng mga Senator-Judges ang anumang kilos o pahayag na maaaring magbigay ng impresyong may nauna na silang pasya bago pa man marinig ang lahat ng ebidensya.

“Nakalagay mismo sa Senate rules na ang mga partido, kabilang ang Senator-Judges, prosecutors, at defense lawyers, ay dapat magpakita ng impartiality. Huwag naman po nilang ipakita ang malinaw na bias, sapagkat sila ang mga hukom sa paglilitis. Ang hinihingi lamang natin ay maging bukas silang pakinggan ang magkabilang panig at timbangin ang lahat ng ebidensya bago magpasya,” dagdag ni Zamora.

Patuloy namang hinihikayat ng House Prosecution Panel ang publiko na maging mapanuri at nakabatay sa katotohanan ang paghusga sa nagpapatuloy na impeachment proceedings bilang bahagi ng demokratikong proseso ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Puspusan namang isinusulong ng Simbahang Katolika na pairalin ang katotohanan, katarungan, at paglilingkod sa bawat mamamayan bilang pundasyon ng tunay na kabutihang panlahat o ng common good.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,191 total reads

 8,191 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,779 total reads

 47,779 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,092 total reads

 83,092 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,361 total reads

 309,361 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,235 total reads

 202,235 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top