251 total views
Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang mga school leaders, administrators, guro, at iba pang education stakeholders na makibahagi sa nakatakdang CEAP Special Learning Session 38.
Tema ng nakatakdang gawain ang “LGU Threads: LGU as Champions of Educational Change” na isasagawa sa Hulyo 23, 2026, mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon sa pamamagitan ng Zoom.
Kabilang sa inaasahang magiging tagapagsalita sa nakatakdang online learning session si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siya ring founding convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG).
Layunin ng online learning session na talakayin ang kahalagahan na maging katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) sa pagpapalakas ng educational governance, pagsusulong ng inobasyon, at paglikha ng pangmatagalang positibong pagbabago para sa mga mag-aaral at komunidad.
“Join us for CEAP Special Learning Session 38: “LGU Threads: LGU as Champions of Educational Change” on 23 July 2026 (Thursday), 2:00-4:00 PM via Zoom. Together, we’ll explore how meaningful collaboration between schools and LGUs can strengthen educational governance, inspire innovation, and create lasting positive change for our learners and communities. We warmly invite school leaders, administrators, teachers, and all education stakeholders to be part of this enriching conversation.” Bahagi ng paanyaya ng CEAP.
Ayon sa CEAP, bibigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at lokal na pamahalaan upang higit na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Maaaring magparehistro ang mga interesadong kalahok sa pamamagitan ng online registration form ng CEAP bago ang itinakdang petsa ng aktibidad.
Nagpahayag naman ang samahan ng pag-asang makasama ang mas maraming education stakeholders sa makabuluhang talakayan para sa kinabukasan ng edukasyon sa bansa.




