Pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe, dadalaw sa Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 163 total views

Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na samantalahin ang pagdalaw ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Diocese of Kidapawan bilang isang natatanging sandali ng biyaya, pagbabagong-loob, at pagpapanibago ng pananampalataya.

Sa kaniyang homiliya sa Rite of Reception ng imahe, second-class relic ng tilma at imahe ni San Juan Diego sa Kidapawan Cathedral, sinabi ni Bishop Bagaforo na ang pagdating ng Mahal na Birhen ay higit pa sa isang pangkaraniwang pagdiriwang o debosyon.

“Kining pagbisita sa atong Mahal nga Inahan dili lamang usa ka event. Kini usa ka kairos. Usa ka God-given moment. Usa ka panahon sa conversion, healing, renewal, ug pagpalig-on sa atong pagtuo,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng obispo na ang aparisyon ng Our Lady of Guadalupe noong 1531 ay naging tugon ng Diyos sa isa sa pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Simbahan sa gitna ng Protestant Reformation, kung saan milyon-milyong Kristiyano ang humiwalay sa Simbahang Katolika.

Aniya, ipinakikita ng Diyos na sa gitna ng pagkawala ay may bagong simula at masaganang biyaya.

“Kung adunay nawala, ang Diyos makahimo sa paghatag ug mas dakong grasya. Kung adunay kangitngit, ang Diyos makahimo sa pagdala ug kahayag. Kung adunay pagkawala sa paglaum, ang Diyos makahimo sa pagsugod ug bag-ong kabanata,” ani Bishop Bagaforo.

Iniugnay ng obispo ang mensaheng ito sa kasalukuyang kalagayan ng maraming pamilya at ng lipunan na nahaharap sa iba’t ibang suliranin kabilang ang lumalawak na bilang ng kahirapan sa bansa at lumalalang katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo na bagama’t nananatiling malaking hiwaga ang milagrosong tilma, ang pinakamahalagang himala ay hindi ang mismong larawan kundi ang pagbabagong-loob ng tao.

“Mas dako pa nga milagro kaysa tilma… ang labing dakong milagro mao ang pagkabig sa kasingkasing. Kana ang tinuod nga tumong sa Guadalupe,” saad ng obispo.

Paalala rin ng pastol na ang tunay na debosyon kay Maria ay hindi humihinto sa Mahal na Birhen kundi humahantong kay Hesukristo.

Kasabay nito, nanawagan ang obispo sa mga pamilya, kabataan, mga samahang pansimbahan at relihiyoso, mga pari, at mga layko na samantalahin ang pagdalaw ng pilgrim image sa diyosesis sa pamamagitan ng pananalangin at pagdadala nito sa mga taong matagal nang nawalay sa Simbahan.

“Dad-a ninyo ang mga tawo nga dugay nang wala makabalik sa Simbahan. Dad-a ninyo ang inyong mga silingan, ang inyong mga higala, ang inyong mga paryente nga dugay nang wala makabalik sa Simbahan. Ayaw ninyo pasagdi nga molabay kining panahon sa grasya,” panawagan ng obispo.

Umaasa rin si Bishop Bagaforo na ang pagdalaw ng Mahal na Birhen ay magbubunga ng mas matatag na pananampalataya, pagkakaisa ng mga pamilya, at higit na paglapit kay Kristo.

Dalangin din ng obispo na sa pamamagitan ng Our Lady of Guadalupe ay makamtan ng mga maysakit ang kagalingan, ng mga nawawalan ng pag-asa ang panibagong pag-asa, at ng bansa ang pagkakaisa sa halip na pagkakawatak-watak.

Ang pagbisita ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Diocese of Kidapawan ay bahagi ng national pilgrimage ng imahen sa Pilipinas na naglalayong palalimin ang debosyon sa Mahal na Birhen at akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas matibay na pananampalataya kay Hesukristo.

Ito rin ay bahagi ng paghahanda sa Project Guadalupana ng Mexico sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng aparisyon ng Our Lady of Guadalupe sa Tepeyac kay San Juan Diego na gugunitain sa taong 2031.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 43,281 total views

 43,281 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 117,895 total views

 117,895 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 197,974 total views

 197,974 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 241,113 total views

 241,113 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 239,623 total views

 239,623 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top