Obispo nagbabala laban sa bagong anyo ng mga pagano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,902 total reads

Nagbabala si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP, sa mga mananampalataya laban sa mga bagong anyo ng pagiging pagano na unti-unting pumapalit sa Diyos bilang sentro ng buhay ng tao.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ika-20 na kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel Parish sa Inagawan, Puerto Princesa City nitong July 16.

Sa pagninilay ng obispo sa kasaysayan ng Bundok ng Karmelo noong panahon ni Propeta Elias, ipinaalala ni Bishop Mesiona na tulad ng mga Israelitang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Baal, nahaharap din ang mga Kristiyano sa kasalukuyan sa mga tukso ng makabagong panahon.

“Sa ating panahon, maaaring wala na tayong mga rebulto ni Baal, ngunit may mga bago tayong anyo ng paganismo. Ang ilan sa mga ito ay ang labis na pagpapahalaga sa pera, kapangyarihan, katanyagan, at sariling interes. Ito ang mga bagay na madalas pumapalit sa Diyos sa sentro ng ating buhay,” ayon kay Bishop Mesiona.

Hinimok ng obispo ang bawat mananampalataya na magsagawa ng taos-pusong pagsusuri sa sarili upang matiyak na nananatiling ang Panginoon ang pangunahing sentro ng kanilang pananampalataya at pamumuhay.

Nilinaw ni Bishop Mesiona ang tunay na kahulugan ng Brown Scapular, isang sakramental na may malalim na kaugnayan sa debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Binigyang-diin ng pastol na hindi ito dapat ituring na anting-anting o pinagmumulan ng kapangyarihan, kundi isang paalala ng pangako ng Kristiyano na mamuhay nang tapat sa Diyos.

“Ang scapular ay hindi anting-anting at hindi rin pinagmumulan ng kapangyarihan. Ito ay isang paalala ng ating debosyon at pagtatalaga sa Diyos,” ani Bishop Mesiona.

Nagpaabot rin ng mensahe ng pag-asa at pakikiisa ang obispo sa mga dumaranas ng emosyonal at mental na pagsubok, at hinihikayat na huwag piliting mag-isa sa pagdadala ng kanilang mga pasanin.

“May isang Ina tayong nananalangin para sa atin. Ang Mahal na Birheng Maria ay patuloy na umaakay at namamagitan para sa kanyang mga anak,” saad ng obispo.

Pinangunahan ni Bishop Mesiona ang banal na misa kasama si Fr. Anthony Murillo, OAR, council member ng Order of Augustinian Recollects–Province of Ezekiel Moreno, mga misyonerong Rekoleto, at mga pari ng Vicariate of Puerto Princesa.

Ang Our Lady of Mount Carmel Parish ay itinatag noong 2006 at nagsisilbi sa mga barangay ng Inagawan, Inagawan-Sub, at Kamuning sa Puerto Princesa City.

Ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Monte Carmelo ay nagmula sa Bundok Carmel sa Israel, kung saan nanirahan ang mga unang ermitanyo. Noong 1251, ayon sa tradisyon, ipinagkaloob ng Birheng Maria ang Brown Scapular kay San Simon Stock bilang tanda ng kanyang pagkalinga at paanyaya sa banal na pamumuhay.

(With reports Katya Santos, AVPP Media)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,915 total reads

 42,915 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,669 total reads

 147,669 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,779 total reads

 233,779 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,913 total reads

 303,913 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,807 total reads

 335,807 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top