Walang summer break kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total views

Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto ang misyon ni Pope Leo XIV, bagkus ay nagkakaroon lamang ito ng ibang ritmo habang pansamantalang nananatili ang Santo Papa sa Castel Gandolfo.

Sa programang Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Fr. Gaston na siya ring Radio Veritas correspondent sa Vatican na tuwing buwan ng Hulyo at Agosto ay karaniwang nababawasan ang mga opisyal na gawain at pakikipagpulong ng Santo Papa sa mga pinuno ng estado, obispo, pari, mga kongregasyon at iba’t ibang organisasyon dahil panahon ito ng pagpapahinga sa Italya.

Gayunman, sinabi ng Pari na ang pahinga ni Pope Leo XIV ay hindi nangangahulugang pagtigil sa kanyang paglilingkod bilang Santo Papa kundi pagkakataon lamang upang magkaroon ng ibang mga gawain at makapagpatuloy sa pananalangin at pagninilay para sa Simbahan at sa buong mundo.

Binigyang-diin din ni Fr. Gaston na nananatiling malawak ang malasakit ng Simbahan sa lahat ng usaping may epekto sa tao, kabilang ang politika, agham, sining, teknolohiya, artificial intelligence, kapaligiran, kultura, sports, at maging ang usapin ng digmaan at kapayapaan sa mundo.

“Basta apektado ang tao, concern ng Simbahan ‘yan. Kung may isang bagay na walang epekto sa tao, wala ring concern ang Simbahan. Pero halos lahat ay may epekto sa tao kaya patuloy na nagbibigay ng gabay ang Simbahan,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ni Fr. Gaston na ang Simbahan ay hindi lamang binubuo ng mga pari, obispo at madre, kundi higit sa lahat ng mga layko na siyang bumubuo ng napakalaking bahagi ng sambayanang Kristiyano.

Ayon sa Pari, ang tunay na paglilingkod sa Simbahan ay hindi lamang nasusukat sa aktibong pakikilahok sa mga gawain ng parokya kundi higit sa lahat ay sa pamamagitan ng tapat na pagtupad ng bawat isa sa kanilang bokasyon sa pamilya, paaralan, trabaho, at komunidad.

“Number 1 nating misyon bilang mga Kristiyano kung saan tayo nakatira, kung saan tayo araw-araw pumupunta kasi diyan ang assignment natin galing sa Panginoon… sa pamilya, sa school, sa trabaho, sa lipunan and of course gawin natin ng panahon kung makatulong pa tayo sa parokya, but of couse kasama doon yung ating pananampalataya, yung ating pagsimba, kaya kasama dun sa pag-aalaga ng pamilya kasama dun yung pagsimba kapag dinadala natin yung pamilya sa Simbahan, ini-ecourage natin sila yan ang ating papel, responsibilidad, kasama yan sa Evangelization.” Paliwanag ni Fr. Gaston.

Hinimok din ni Fr. Gaston. ang mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang misyon ni Pope Leo XIV sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral ng katesismo, pagsasabuhay ng mga Kristiyanong pagpapahalaga, at aktibong paglilingkod sa kapwa saan mang bahagi ng mundo naroroon.

“Simple lang naman kailangan natin ng dasal, kailangan natin ng catechism, kailangan natin ng virtues, kaya kapag ginagawa natin ito tinutulungan natin ang ating Santo Papa kahit nandito siya sa Rome, sa Vatican, sa Castel Gandolfo o kung saan man siya, magkasama tayo kaisa siya natin kapag kapag ginagawa natin kumbaga kung saan tayo inassign ng Panginoon diyan man sa Pilipinas, o abroad diyan ang ating assignment kasama natin si Pope Leo XIV.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Samantala, ibinahagi rin ni Fr. Gaston na kabilang sa patuloy na ipinagdarasal ni Pope Leo XIV ang lumalalang mga armadong tunggalian sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular sa Gitnang

Silangan, gayundin sa ilang bansa sa Asya, Africa, Latin America at Europa.

Ayon sa Pari, nananatiling pangunahing panawagan ng Santo Papa ang panalangin para sa kapayapaan at ang pagkakaisa ng sambayanang Kristiyano sa pagtugon sa mga pagdurusang dulot ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 74,930 total views

 74,930 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 149,544 total views

 149,544 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 229,623 total views

 229,623 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 272,762 total views

 272,762 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 269,235 total views

 269,235 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top