Kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba ng 70-porsiyento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,385 total reads

Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba ng 70 porsiyento ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Ayon sa kagawaran, nakapagtala ng 1,532 kumpirmadong kaso mula January 4 hanggang July 11, 2026, kumpara sa 5,070 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Inilabas ng DOH ang pahayag kasunod ng mga naunang ulat ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Quezon City, na nilinaw ng kagawaran na nananatiling lokal o isolated at hindi sumasalamin sa kabuuang sitwasyon sa buong bansa.

“The DOH continues to closely monitor the situation through its regional offices and local government partners and maintains disease surveillance and response mechanisms nationwide,” ayon sa DOH.

Muling pinaalalahanan ng kagawaran ang publiko na bantayan ang mga sintomas ng COVID-19, kabilang ang lagnat, panginginig, pananakit ng lalamunan, ubo, sipon o baradong ilong, pananakit ng ulo at kasukasuan, at pagkawala ng panlasa at pang-amoy.

Pinayuhan din ng DOH ang mga nakararanas ng mga sintomas na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o healthcare facility upang mabigyan ng tamang lunas at maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.

Hinikayat din ang publiko na ipagpatuloy ang mga pangunahing hakbang sa kalusugan tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, tamang respiratory etiquette, at pagpapanatili ng kalinisan upang makaiwas sa COVID-19 at iba pang respiratory illnesses.

“The DOH assures the public that it will continue to monitor the situation closely and provide timely, accurate, and verified information as needed,” ayon pa sa DOH.

Ipinapanalangin naman ng simbahan ang patuloy na kaligtasan ng bawat isa laban sa anumang uri ng nakahahawang karamdaman, at hinihikayat ang lahat na isabuhay ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng responsableng pangangalaga sa sariling kalusugan at sa kapakanan ng buong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 75,813 total reads

 75,813 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 110,489 total reads

 110,489 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 134,624 total reads

 134,624 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 171,108 total reads

 171,108 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 184,948 total reads

 184,948 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 85,981 total reads

 85,981 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top