Pag-endorso ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa mining operations ng APMC, pinasusuri ng gobernador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,008 total reads

Nanawagan si Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic ng masusing pagsusuri sa naging pag-apruba ng Sangguniang Bayan ng San Fernando sa resolusyong nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa planong pagmimina sa bayan.

Ayon sa gobernadora, bagama’t bahagi pa lamang ito ng mas malawak na proseso at hindi pa ganap na pag-apruba sa proyekto, hindi dapat minadali ang pagdedesisyon sa isang usaping may malaking epekto sa kalikasan at sa mga mamamayan.

Binigyang-diin ni Firmalo-Fabic na mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na maipahayag ang kanilang saloobin dahil ang mga residente ang direktang maaapektuhan ng planong pagmimina.

“Ito ay dapat masusing pinag-aralan at binigyan ang mga mamamayan ng pagkakataon na mapakinggan,” pahayag ni Firmalo-Fabic.

Ipinunto rin ng gobernadora ang natatanging halaga ng kalikasan ng Sibuyan, na tahanan ng iba’t ibang uri ng halaman at hayop na kailangang pangalagaan.

Aniya, ang anumang pinsalang maidudulot sa kalikasan ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa kabuhayan at kinabukasan ng mga taga-Romblon.

Ipinaalala rin ni Firmalo-Fabic na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga proyektong naipatutupad kundi sa kakayahang mapanatili ang balanse sa pagitan ng pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan.

“Nananatiling matatag ang ating paninindigan na ang pag-unlad ng Romblon ay dapat laging kaagapay ng pangangalaga sa ating kalikasan. Ang ating tanggapan ay aktibong makikipagtulungan sa mamamayan upang isulong ang mga pasyang inuuna ang pangmatagalang kapakanan ng bawat Romblomanon at ng mga susunod pang henerasyon,” ayon kay Firmalo-Fabic.

Nauna nang nagpahayag ng pagtutol sa naturang pag-endorso sina San Fernando Mayor Fernando Marin at Bayay Sibuyanon Chairperson at Living Laudato Si’ Philippines Executive Director Rodne Galicha, habang nagsagawa rin ng kilos-protesta ang mga residente at iba’t ibang sektor sa San Fernando.

Bilang pakikiisa, pinatunog din nang ilang minuto ang kampana ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Immaculate Conception, bilang panawagang pagpapakita ng suporta sa mga residenteng naninindigang protektahan ang kalikasan ng Sibuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,571 total reads

 41,571 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,377 total reads

 146,377 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,487 total reads

 232,487 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,621 total reads

 302,621 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,565 total reads

 334,565 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,643 total reads

 162,643 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top