Senator-judges, hinimok na i-subpoena ang bank at tax records ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,412 total reads

Nanawagan ang mga youth group sa mga senator-judges ng impeachment court na maglabas ng subpoena para sa bank at tax records ni Vice President Sara Duterte upang matiyak ang ganap na transparency at pananagutan sa nagpapatuloy na impeachment proceedings sa Senado.

Kasabay ng pagpapatuloy ng pagdinig ng impeachment court ngayong araw ng Lunes ay nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Senado ang Samahan ng Progresibong Kabataan o SPARK upang hilingin ang “full disclosure” ng lahat ng financial transactions ng Bise Presidente.

Ayon sa SPARK, mahalagang mabuksan at masuri ang mga nasabing dokumento upang magkaroon ng malinaw at komprehensibong pagtingin ang taumbayan sa financial history ni Duterte bilang isang pampublikong opisyal.

“It is the State’s primary obligation to investigate and prosecute all instances of government corruption, it must leave no stone unturned,” Bahagi ng pahayag ng grupo.

Binigyang-diin ng SPARK na ang mga bank at tax records ay mahalagang bahagi ng pagsisiyasat sa mga alegasyon ng katiwalian at dapat na maging bukas sa masusing pagsusuri ng publiko.

“These documents are vital in ensuring that the full picture of Duterte’s financial history as a public official is divulged and scrutinized by the Filipino people,” Dagdag pa ng grupo.

Kinundina rin ng SPARK ang pahayag ng kampo ni Duterte na ang pagbubunyag ng naturang mga bank at tax records ay maaaring maging kalabisan at mapang-abuso, sapagkat iginiit ng grupo na hindi dapat maging hadlang ang anumang depensa sa paghahanap ng katotohanan at pananagutan.

Ayon pa sa grupo, ang sinumang senador na boboto laban sa pagpapalabas ng subpoena para sa mga nasabing bank at tax records sa kabila ng pangangailangan ng masusing pagsusuri sa datos ay maaaring ituring na bahagi ng pagtatakip sa katiwalian.

“Duterte cannot hide behind her defense panel nor the senator-judges who are lawyering for her. In fact, the impeachment proceedings demonstrate a very crucial fact: there is no greater time than now to hold all public officials involved in corruption and remove them from office as soon as possible. Lahat ng sangkot, dapat managot,” Ayon pa sa SPARK.

Muli namang iginiit ng youth group ang kanilang panawagan sa pamahalaan na patuloy na pairalin ang mandato nitong imbestigahan at usigin ang lahat ng kasalukuyan at hinaharap na kaso ng katiwalian nang walang kinikilingan, anuman ang partidong pampulitika o posisyon ng sangkot na opisyal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,932 total reads

 42,932 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,685 total reads

 147,685 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,795 total reads

 233,795 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,929 total reads

 303,929 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,823 total reads

 335,823 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top