Panagutin ang responsable sa pagkasira ng coral reefs sa Tañon Strait Protected Seascape Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,497 total reads

Nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan na agad papanagutin ang mga responsable sa malawakang pagkasira ng coral reefs sa Tañon Strait Protected Seascape na saklaw ng Negros Island at Cebu.

Ito ay matapos lumabas sa scientific assessment na halos pito sa bawat sampung coral na sinuri sa Bais Bay ang namatay kasunod ng malawakang wastewater spill sa lugar.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, hindi lamang ito usaping pangkalikasan kundi isa ring usaping moral dahil direktang naaapektuhan nito ang kabuhayan ng mga mangingisda, biodiversity, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“This is not simply an environmental statistic. It is a profound moral concern,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ng obispo na ang mga coral reef ay mahalagang bahagi ng nilikha ng Diyos na nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng yamang-dagat, proteksyon sa mga baybayin, at pinagkukunan ng kabuhayan ng libu-libong pamilyang umaasa sa karagatan.

“When they die, creation itself cries out, and so do the poor whose lives depend upon healthy seas,” ayon kay Bishop Alminaza.

Pinasalamatan din ni Bishop Alminaza ang mga siyentipiko, marine researchers, mangingisda, at mga mamamayang patuloy na binabantayan ang kalagayan ng Tañon Strait at naglalabas ng mahahalagang datos kaugnay ng pinsalang dulot ng wastewater spill.

Kasabay nito, iginiit ng Caritas Philippines ang pangangailangan para sa agarang pagkilos, pananagutan, at pagpapanumbalik sa mga nasirang bahagi ng karagatan upang mapangalagaan ang kalikasan at ang mga pamayanang umaasa rito.

“If ongoing pollution is indeed continuing, every necessary legal and regulatory measure must be taken immediately to stop further damage, determine responsibility, ensure full compliance with environmental laws, and require the restoration of affected ecosystems according to the “polluter pays” principle embodied in our laws,” giit ni Bishop Alminaza.

Nanawagan din si Bishop Alminaza sa mga industriyang matatagpuan malapit sa mga sensitibong marine ecosystem na isaalang-alang ang pananagutan sa pangangalaga ng kalikasan at tiyaking ang pag-unlad ay hindi isinasakripisyo ang integridad ng sangnilikha at kapakanan ng mga komunidad na umaasa rito.

Binigyang-diin pa ng obispo na ang Tañon Strait ay hindi lamang anyong tubig na naghihiwalay sa Negros at Cebu, kundi isang natatanging biyayang ipinagkatiwala ng Diyos na dapat pangalagaan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na salinlahi.

“The true measure of our progress is not how much wealth we extract from creation, but how faithfully we safeguard the gift that God has entrusted to us,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,515 total reads

 41,515 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,322 total reads

 146,322 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,432 total reads

 232,432 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,566 total reads

 302,566 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,510 total reads

 334,510 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,635 total reads

 162,635 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top