Healing mass sa Veritas, best AM RADIO program sa FAMAS broadcast arts awards 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,705 total reads

Kinilala ang Healing Mass sa Veritas bilang Best AM Radio Program sa kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards 2026, isang parangal na inialay ng pamunuan ng Radio Veritas sa Diyos at sa lahat ng katuwang sa ministeryo ng ebanghelisasyon sa himpapawid.

Sa kanyang acceptance speech, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Radio Veritas President Rev. Fr. Roy Bellen sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), mga kapwa broadcaster, artista, at mga tagapakinig sa buong bansa.

“Maraming, maraming salamat po! We are humbled and overjoyed to receive this award as Best AM Radio Program for Healing Mass sa Veritas at this first-ever FAMAS Broadcast Arts Awards!” Bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen.

Binigyang-diin ng Pari na ang pagkilalang natanggap ng programa ay patunay ng malalim na uhaw ng tao sa espiritwal at banal na karanasan, sa kabila ng kasiyahan at aliw na hatid ng mundo ng entertainment.

“Behind the smiles and laughter that the world of entertainment brings lies a deep thirst for the spiritual and the transcendental — and this award reminds us of that sacred truth.” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

Ayon kay Fr. Bellen, ang tropeong natanggap ng Radio Veritas ay hindi lamang para sa istasyon kundi para sa bawat obispo, pari at mga layko na bumubuo sa programa, sa mga boluntaryong naglilingkod, sa production team, at sa mga tagapakinig na may pananampalatayang nakikibahagi sa programa.

“This trophy does not belong to our station alone. It belongs to every bishop and priest who presides, every volunteer who serves, every listener who tunes in with faith, and every soul who finds light, comfort, and purpose in our broadcasts.” Ayon pa kay Fr. Bellen.

Ipinahayag din ni Fr. Bellen na ang parangal ay nagsisilbing panibagong pangako ng Radio Veritas na patuloy na magsalita ng katotohanan, magbahagi ng pag-asa, at tumindig kasama ng sambayanang Pilipino.

“For Radio Veritas, this honor is a renewed promise: we will keep speaking truth, sharing hope, and standing with our people — because the greatest stories we tell are those of God’s love and our shared journey as one Filipino family,” Ani pa ng Pari.

Ang Healing Mass sa Veritas ay isa sa mga pangunahing programa ng Radyo Veritas tampok ang pagdiriwang ng Banal na Misa at mensahe ng kagalingan, pag-asa, at pananampalataya sa libu-libong tagapakinig sa buong bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,359 total reads

 44,359 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,078 total reads

 149,078 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,189 total reads

 235,189 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,322 total reads

 305,322 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,140 total reads

 337,140 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top