Conversion of relationship, pinaka-mahalaga sa pagsisimula ng pagbabago sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,574 total reads

Binigyan-diin ni Father Jason Laguerta, Director ng Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) at Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang kahalagahan sa pagsisimula ng pagbabago sa ugnayan ng tao sa kapwa upang matugunan ang malalalim na suliranin ng bansa, kabilang ang kahirapan, katiwalian, at mga hamon sa ekonomiya.

Sinabi ni Fr. Laguerta na ang kulturang Pilipino na pakikipagkapwa ay bibigyang halaga sa PNCE 2026 na may temang “SANGKÁY: I Have Called You Friends,” na idaraos sa University of Sto.Tomas sa ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo, 2026.

Ipinaliwanag ng Pari na karaniwang naipapahayag sa mga kilos-protesta ang panawagan sa pagbabago ngunit mas pangmatagalan at mas malalim ang pagbabago na nagmumula sa kulturang Pilipino na pakikipag-kapwa na mas malaki ang maitutulong sa pagtugon sa mga problema ng bansa.

“Yung punto ng paano ito makakatulong nang mas malaki sa problema ng bansa, lalo na sa ekonomiya, politika, corruption, etc. Napakalaki , una, dinadaan natin madalas sa rally yung ating hinaing. Madalas ginagamit natin yung kalsada para sa social change o pagbabago ng lipunan, kung babalikan mo yung kulturang Pilipino, ng kapwa, ng kaibigan, hindi natin ginagamit madalas yung ganoong strategy. Ang laging ginagamit natin ay dahas sa dahas, plataporma sa plataporma, ideology sa ideology, hindi natin nakikita na tayo, mga Pilipino, malakas sa atin ang core value natin na kapwa. Ibig sabihin noon, ang ating pagkatao bilang mga Pilipino ay nakaugat sa pakikipagkapwa,” ayon sa panayam at mensahe ni Father Laguerta.

Iginiit ni Father Laguerta na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ‘conversion of relationships’ o pagbabago ng pakikitungo sa kapwa.

Ayon kay Fr.Laguerta, bago mabago ang mga sistema at istruktura ng lipunan ay kinakailangang mabago muna ang puso at pagtingin ng bawat isa sa kanilang kapwa bilang kasama sa buhay at hindi bilang taong maaaring lamangan o pagsamantalahan.

Naniniwala ang pari na kung maisasabuhay ng mga pinuno, kabataan at bawat mamamayan ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa ay mababawasan ang katiwalian at iba pang ugat ng kahirapan dahil sa paggalang at pagmamalasakit sa kapwa.

Ibinahagi ni Fr.Laguerta na ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa ang maging sentro ng talakayan sa tatlong na PCNE 2026.

“Kasi bago magkaroon ng conversion sa system, sa structure sa Pilipinas, kailangan magkaroon muna ng conversion o pagbabago sa pakikitungo. Halimbawa, sa pamilya, kailangan magkaroon ng pagbabago ng pakikitungo ng isa’t isa sa pamilya. Na hindi na asymmetrical o kaya hierarchical. Kung hindi, nandoon din yung sangkay sa pamilya. Kung magkaroon na ng ganoong kultura, palagay ko mas malawak at mas malalim yung pagbabago. Kasi binago natin ang puso at pakikipagkapwa,” bahagi pa ng mensahe ni Father Laguerta.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,181 total reads

 207,181 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,854 total reads

 241,854 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,754 total reads

 257,754 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,243 total reads

 294,243 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,524 total reads

 300,524 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top