Higit na unawain ang tunay kahulugan ng banal na eukaristiya-Cardinal Tagle sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,090 total reads

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalataya na higit na unawain ang tunay na kahulugan ng Banal na Eukaristiya bilang sakramento ng pag-ibig at pagkakaibigan na dapat magbunga ng pagmamahal, malasakit, katarungan, at misyong Kristiyano sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ang binigyang-diin ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, sa kanyang plenary reflection sa unang araw ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Ayon sa kardinal, hindi dapat limitado sa mga ritwal at seremonya ang pagtingin ng mga mananampalataya sa Eukaristiya sapagkat ito ang pagpapahayag ng pinakadakilang pag-ibig at pagkakaibigan ni Hesus sa sangkatauhan.

“The Eucharist is the Sacrament of Love. It is the Sacrament of Friendship,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pananatili kay Kristo, batay sa panawagang “Remain in me,” ay isang panawagang aktibong pamumuhay ng pag-ibig.

“Remain in Jesus means loving. And love is active,” giit ng kardinal.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay dapat magbunga ng pagbabago sa pakikitungo ng mga mananampalataya sa kanilang kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi maaaring ihiwalay ang pagsamba sa Diyos sa pananagutang magmahal at magbahagi sa kapwa.

“We cannot celebrate the breaking of the Bread during Mass and then, after Mass, practice the hoarding of bread—keeping everything for ourselves and refusing to share,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Sinabi pa ng kardinal na ang isang tunay na pamayanang eukaristiko ay nakikilala hindi lamang sa maayos na pagdiriwang ng Misa kundi sa paraan ng paggalang, pagmamalasakit, at pakikipagkaibigan sa kapwa.

“Relationships. Friendship. Respect. Compassion. These are the unmistakable marks of a truly Eucharistic community,” saad pa ng kardinal.

Paalala ni Cardinal Tagle na ang Huling Hapunan ay nagsilbing simula ng bagong kasaysayan ng pagkakaibigan sa kabila ng pagtataksil na naranasan ni Hesus.

Aniya, sa halip na gumanti, pinili ni Kristo ang pag-aalay ng sarili upang wakasan ang poot at paghihiganti.

Nagbabala rin si Cardinal Tagle laban sa pagdadala ng makamundong pagtingin sa loob ng pagdiriwang ng Eukaristiya, kabilang ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa personalidad ng mga punong tagapagdiwang o sa mga panlabas na bagay sa halip na nakatuon ang presensya kay Kristo.

Aniya, ang sentro ng Eukaristiya ay si Hesus at hindi ang sinumang pari, obispo, o kardinal.

Tinukoy rin ng kardinal ang pagtatapos ng Misa bilang panawagan sa misyon at hindi lamang simpleng pagtatapos ng pagdiriwang.

“It is not simply dismissal. It is a mission,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag niyang ang bawat tumatanggap ng Katawan ni Kristo ay isinusugo upang ibahagi sa kapwa ang Salita ng Diyos, ang pag-ibig ni Kristo, at ang mabuting balita ng kaligtasan.

Binigyang-diin pa ni Cardinal Tagle na ang pagkakaibigang ipinamalas ni Hesus ay dapat ding maging huwaran ng bawat Kristiyano sa pakikitungo hindi lamang sa kapwa at sa sangnilikha.

“Jesus has treated us as His friends. Therefore, let us also treat our fellow human beings, and even the world itself, as our friends,” aniya.

Hinimok ng kardinal ang mga mananampalataya na hayaang hubugin ng Eukaristiya ang kanilang buong pamumuhay at hindi lamang ang kanilang pakikilahok sa Misa.

Dumalo sa unang araw ng PCNE XII ang halos 4, 000 mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,733 total reads

 6,733 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,532 total reads

 60,532 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,897 total reads

 145,897 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,634 total reads

 192,634 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,505 total reads

 240,505 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,466 total reads

 341,466 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top