Pope Leo XIV, nanawagan ng dayalogo sa Gitnang Silangan at Holy land

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,252 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV ng agarang pagbabalik sa dayalogo at negosasyon upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Holy Land at sa buong Gitnang Silangan, kasabay ng kanyang pag-aalala sa patuloy na lumalalang karahasan sa rehiyon.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo, sinabi ng Santo Papa na patuloy niyang sinusubaybayan nang may matinding pagkabahala ang lumalalang sitwasyon sa West Bank at Gaza, kung saan marami nang sibilyan ang nasawi dahil sa nagpapatuloy na labanan.

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga sangkot sa hidwaan na muling buksan ang landas ng negosasyon tungo sa isang makatarungang pampulitikang solusyon na nakabatay sa pantay na dignidad at karapatan ng bawat tao.

“I urge all parties involved to suspend their attacks and urgently reopen avenues of dialogue and diplomacy, so that the peace so greatly desired by the entire region may be achieved without delay.” Panawagan ni Pope Leo XIV.

Nagbabala rin ang Santo Papa na ang patuloy na paglala ng mga operasyong militar sa Gitnang Silangan ay nagdudulot ng mas maraming pagkasawi ng mga sibilyan at nagpapalala sa kakulangan ng malinis na tubig at suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang lahat ng mananampalataya na ipagpatuloy ang pananalangin para sa lahat ng mamamayang dumaranas ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“May the Lord touch hearts and enlighten the minds of those in positions of responsibility, so that reconciliation and peace may soon prevail.” Panalangin ng Santo Papa.

Paalala ng Simbahan, ang Catholic Social Teaching ay nagtuturo na ang tunay na kapayapaan ay nakaugat sa katarungan, paggalang sa dignidad ng bawat tao, at tapat na pagsusulong ng dayalogo at pagkakasundo sa halip na karahasan at digmaan.

Inihayag ni Pope Leo XIV ang panawagan sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo kasabay ng patuloy na paglala ng karahasan sa Holy Land at sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,568 total reads

 22,568 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,695 total reads

 22,695 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,653 total reads

 3,653 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,244 total reads

 40,244 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,650 total reads

 96,650 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,139 total reads

 220,139 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top