Go beyond politics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,470 total reads

Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity Chairman
at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na ipatupad “beyond politics” ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP law.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi dapat paboran ng bagong pamunuan ng Department of Agrarian Reform o DAR ang isinusulong na “Genuine Agrarian Reform program”.

Inihayag ng Obispo na bukod sa pamamahagi ng lupa ay dapat ding ibigay ng gobyerno ang support services sa mga magsasaka upang kanilang mapagyaman ang pag-aaring lupa.

“Sana seryosohin nila kasi alam naman natin yung head ng DAR, siya ay nasa kaliwa, ang gusto nilang gawin ay genuine land reform kaya lang wala pa namang batas sa land reform na gusto nila, ang batas natin ngayon ay carper. So dapat na ipatupad iyan. Kaya you should go beyond politics, sana habang wala pa tayong garp na batas at dapat ipatupad ang CARP law.Iyong mga lupang kailangang ipamigay ay ipamigay at support services kailangan ipamigay din na hindi nagawa ng nakaraang administrasyon.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas

Kasabay nito ang apila ng Obispo na matutukan din ang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita na mayroong support services upang hindi ipaupa at ibenta ng mga magsasaka ang kanilang pagmamay-aring lupa.

Umaasa ang Obispo na totohanin ng pamahalaan ang pagpatupad sa land reform law at bigyang halaga ang kalagayan ng mga magsasaka na itinuturing na pinaka-mahirap na sektor sa bansa.

Ginawa ni Bishop Pabillo ang panawagan sa pamahalaan matapos magbarikada ang 700-magsasaka sa Hacienda Luisita upang ipanawagan ang pagkakaloob sa kanila ng natitira pang 900- hektaryang lupain na ipinag-utos na ipamahagi ng Korte Suprema noon pang taong 2012.

Ang 900-hektaryang lupain ay bahagi ng kabuuang 4,500 hektarya ng lupa para sa may 6,200 farmer beneficiaries ng Hacienda Luisita.

Nabatid ng Veritas Research team na ibinaba sa 10.1-bilyong piso ngayong taon ang pondo sa CARP law mula sa 10.4-bilyong piso noong nakaraang taon para maisakatuparan ang pamamahagi sa 95-libong hektaryang lupain sa mga magsasaka.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,426 total reads

 27,426 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 51,595 total reads

 51,595 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 90,510 total reads

 90,510 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,638 total reads

 124,638 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 181,044 total reads

 181,044 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 98,387 total reads

 98,387 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 75,966 total reads

 75,966 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 114,452 total reads

 114,452 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top