Pagpa-prayoridad ng pamahalaan sa “dole-out”, pinuna ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,212 total reads

Nanawagan si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na magsulong ng mga totoo at pangmatagalang solusyon sa mga suliranin ng ekonomiya sa bansa.
Ayon sa Obispo, mahalagang higit na pagtuunan ng pansin ang seguridad sa enerhiya, pagpapatatag ng suplay ng pagkain, at paghahanda sa mga epekto ng climate change na may direkta at negatibong epekto sa kabuhayan ng Pilipino.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi dapat umasa lamang ang pamahalaan sa pagbibigay ng subsidies o mga one-time big-time na financial at iba pang uri ng tulong bilang tugon sa mataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

“Sa ikalimang SONA ni President Marcos Jr., ang isang kapansin-pansin ay parang kaunti ang kanyang sinabi tungkol sa pangangalaga ng ecology. Kasi ito ang nakikita natin: apektadong-apektado tayo ng climate change, sa pagbabago ng panahon. Pero wala siyang sinabi na mitigation measures o kaya paghahanda natin sa pagbabago ng panahon. Iyan po ang isa. Tapos, kasama rin diyan ang ating fossil fuel. Sinabi natin na tayo ay apektado ng nangyayari sa giyera sa Middle East, pero wala man lang siyang sinabi tungkol sa renewable energy. Nabibigyan sana natin ngayon ng diin ang pagiging hindi tayo nakatali sa fossil energy na napakataas at pabago-bago ang presyo. Tapos, siyempre, wala siyang sinabi tungkol sa impeachment. Siguro nararapat naman talagang bigyan ng kalayaan ang prosesong ito ng impeachment. Pero ganoon din sa alam natin na mataas ang mga bilihin. Ang kanyang solusyon sa mataas na bilihin ay magbigay ng subsidy sa mga tinamaan ng pagtaas ng langis. Pero iyan lang ba ang magagawa natin? At isa pa, nagsimula siya sa isang bagay na binigyan niya ng mention, ang tungkol sa AI, na pinagmamalaking magiging hub tayo. Ang malaking bahagi ng ating lupain ay ibibigay para maging hub tayo sa teknolohiyang ito. Pero hindi niya pinalawak kung ano naman ang mga downside nito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng Obispo ang mas malawak na paggamit ng renewable energy upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa fossil fuel at maprotektahan ang ekonomiya mula sa epekto ng pandaigdigang krisis, kabilang ang mga kaguluhan sa Middle East na nakaaapekto sa presyo ng enerhiya.

Nagpahayag pa ng pangamba ang si Bishop Pabillo sa planong gawing sentro ng Artificial Intelligence (AI) at data centers ang bansa na kung hindi sapat na mapag-aaralan ang magiging epekto nito sa suplay ng kuryente at tubig ay lubhang makakaapekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga Pilipino.

Binigyang-diin niya na ang mga pasilidad ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya at maraming suplay ng tubig para sa kanilang operasyon, kaya dapat tiyakin ng pamahalaan na hindi maisasakripisyo ang pangangailangan ng mga komunidad at ang pangangalaga sa likas na yaman habang isinusulong ang digital na kaunlaran.

Hinimok din ni Bishop Pabillo ang pamahalaan na maglatag ng mas kongkretong programa para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan upang matulungan ang mga patuloy na nahihirapan na mga magsasaka at maliliit na mangingisda higit na sa Palawan, dahil sa mataas na presyo ng krudo at gasolina na nagpapataas ng gastos sa produksyon at nagpapababa ng kanilang kita.

“Sa halip na dumiretso lang tayo sa ganitong bagong pangyayari, dapat din nating suriin kung ano ang ating magagawa. Tapos, naghahanap sana ako ng mas konkretong solusyon tungkol sa ating agrikultura. Dito sa amin sa Palawan, mahalaga ang agriculture. Kaya parang wala akong narinig na inisyatiba para suportahan ang mga farmer. Ganoon din ang mga maliliit na mangingisda. Dahil sa mahal na krudo, hindi na sila masyadong makapalaot. Mahal ang gasolina kaya pati ang kanilang huli ay kumokonti na rin. Kaya ano ang magiging suporta natin sa mga mangingisda? Iyan ang ilan sa aking mga obserbasyon sa mga usaping kailangan pang pagtuunan ng ating pamahalaan. Jesus Christ is the way, the life, and the truth.” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Naniniwala ang Obispo na ang mga hakbang para sa pag-unlad ng ekonomiya ay dapat na nakatuon sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga Pilipino kasabay ng pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 2,845 total reads

 2,845 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 34,120 total reads

 34,120 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 113,937 total reads

 113,937 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 208,163 total reads

 208,163 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 268,578 total reads

 268,578 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top