Obispo at Pari, pinagkalooban ng Panginoon ng natatanging misyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,132 total reads

Iginiit ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na may natatanging misyon ang mga pari sa gitna ng mga napapanahong hamon na kinakaharap ng bansa.

Sa kanyang pagninilay sa pagbubukas ng SOLTARE XVII Cup nitong August 4, kasabay ng paggunita kay San Juan Maria Vianney, patron ng mga pari, binigyang-diin ng arsobispo na hindi nagkataon ang pagkatawag ng Diyos sa mga pari upang maglingkod sa Pilipinas lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng bansa na nahaharap sa mga mabibigat na usapin.

“Hindi rin aksidente na tayo ay mga pari sa Pilipinas sa panahong ito. Hindi aksidente na pinag-uusapan natin ngayon ang impeachment. Hindi aksidente na pinag-uusapan natin ang West Philippine Sea. Hindi aksidente na pinag-uusapan natin ang fake news at misinformation. At ngayon, may napakalaking hamon sa atin—ang artificial intelligence. May plano ang Diyos kung bakit tayo ay mga pari sa Pilipinas sa taong ito, sa panahong ito,” ayon kay Archbishop Garcera.

Ayon sa pangulo ng CBCP, hindi dapat ituon ng mga pari ang kanilang bokasyon sa pagtulad lamang sa mga banal, kundi sa pagtuklas sa natatanging misyon na ipinagkakatiwala ng Diyos sa bawat isa.

“Ang tanong ay hindi: ‘Katulad ba ako ni San Juan Maria Vianney?’ Ang tanong ay: ‘Ako ba ang paring nais ng Diyos sa panahong ito?’ Am I the priest God desires me to be for this particular moment in Philippine history?” ayon pa sa arsobispo.

Binigyang-diin din ni Archbishop Garcera na bawat pari at obispo ay pinagkakalooban ng Diyos ng mga natatanging misyong gagampanan sa pamayanan.

“Each priest, each bishop is a mission. Bawat pari at bawat obispo ay isang misyon ng Diyos. ‘Missio Dei.’ Misyon ng Diyos, hindi misyon natin. You are the mission of God,” aniya.

Nagbabala rin ang arsobispo laban sa panganib na malihis ang pagtuon ng ministeryo ng mga pari dahil sa mga gawaing administratibo, social media, o pulitika sa halip na kay Kristo.

“Kapag ang sentro ng ating buhay ay ang administration lamang ng parokya, lulubog tayo… Kapag ang sentro ng ating buhay ay social media lamang… lulubog tayo… Kapag ang sentro ng ating buhay ay politika lamang, lulubog tayo. Ngunit kapag si Kristo ang ating tinitingnan, kahit sa gitna ng unos, makalalakad tayo,” ani Archbishop Garcera.

Kinilala rin ng opisyal ang maraming “sugat” na nararanasan ng Simbahan at ng lipunan, kabilang ang pagkakahati-hati ng bansa, pagkawala ng tiwala sa pamahalaan, kahirapan, krisis sa kalusugang pangkaisipan, pagkasira ng mga pamilya, at paglayo ng ilan sa pananampalataya.

Gayunman, iginiit nitong nananatiling pag-asa ang mensahe ng Ebanghelyo.

“Hindi nagtatapos ang Diyos sa ating mga sugat. Nagsisimula Siya sa muling pagbangon. Ito ang puso ng synodality,” saad ng arsobispo.

Hinamon din ni Archbishop Garcera ang mga pari na maging mga tagapaghilom ng sugat ng lipunan sa halip na umasa lamang sa kakayahan sa teknolohiya o pamamahala.

“Hindi sapat na mahusay lamang tayo sa teknolohiya. Hindi sapat na mahusay tayo sa administration. Hindi sapat na mahusay tayo sa social media. Hindi sapat na mahusay tayo sa paggawa ng proyekto. Kailangan ng Simbahan ang paring marunong makiramdam, paring marunong makipaglakbay sa mahihirap, paring marunong maghilom ng sugat, at higit sa lahat, paring hindi nawawala ang kanyang paningin kay Kristo,” giit ni Archbishop Garcera.

Hinikayat ng CBCP president ang mga pari na huwag lamang gayahin ang mga banal kundi maging tapat sa natatanging misyong ipinagkaloob sa kanila ng Diyos tulad ng mga halimbawa na ipinamamalas ng mga banal ng simbahan.

Kasalukuyang nagtitipon ang mga obispo at pari mula sa Southern Luzon sa Diocese of Calapan, Oriental Mindoro, para sa taunang SOLTARE at paghahanda sa pagtatalaga ng unang obispo sa bagong diyosesis.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 18,192 total reads

 18,192 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 39,149 total reads

 39,149 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 109,885 total reads

 109,885 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 196,391 total reads

 196,391 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 239,423 total reads

 239,423 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 287,520 total reads

 287,520 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top