Nasa Senate impeachment court na ang hurisdiksyon sa impeachment ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,741 total reads

Iginiit ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na dapat dinggin at pagpasyahan ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte matapos isantabi ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukuwestiyon sa naging proseso ng Kamara.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, naging ‘moot’ o wala nang praktikal na saysay ang mga petisyon dahil naaprubahan na ng Kamara ang Articles of Impeachment at naipadala na ang mga ito sa Senado para sa paglilitis.

Sinabi ni Luistro na kabilang sa mga usaping inihain sa Korte Suprema ang sinasabing ‘mini-trial,” “fishing expedition,” at paglabag ng House Committee on Justice sa proseso ng pagtalakay sa impeachment complaints, gayundin ang one-year constitutional bar at referral ng mga reklamo sa komite.

“Kasama na po diyan itong mga allegations nila on mini-trial, allegations on fishing expedition, allegations on having prejudged the impeachment complaint even before the clarificatory hearing,” paliwanag ni Luistro.

Umaasa rin ang House prosecution na tuluyan nang matatapos ang mga usaping may kaugnayan sa naging proseso sa Kamara upang makapagpatuloy ang paglilitis sa Senado nang nakatuon na sa mga ebidensya at mga akusasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.

“I hope that with this decision of the Supreme Court, sana natapos na ’yung mga issues na ibinabato kaugnay ng naging proceeding ng Justice Committee,” ayon kay Luistro.

Nilinaw naman ni private prosecutor at legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. na ang naging desisyon ng Korte Suprema ay hindi paghatol sa pananagutan o kawalang-sala ng Bise Presidente at hindi rin pagdedesisyon sa merito ng impeachment case.

Ayon kay Tolosa, ang naging pasya ng Korte Suprema ay naglinaw lamang na ang Senate Impeachment Court ang may wastong hurisdiksyon upang dinggin ang kaso at timbangin ang mga ebidensya ng magkabilang panig.

“So what the Supreme Court decision settled is the forum. So what’s clear now is that the proper forum is now the Impeachment Court,” ayon kay Tolosa.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis, patuloy na inihaharap ng House prosecution ang mga ebidensya kaugnay ng Article I ng Articles of Impeachment na may kinalaman sa sinasabing maling paggamit, paglustay at iregular na liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education, habang nananatiling itinatanggi ng kampo ni Vice President Duterte ang mga paratang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 24,866 total reads

 24,866 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 57,012 total reads

 57,012 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 123,067 total reads

 123,067 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 142,370 total reads

 142,370 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 219,460 total reads

 219,460 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top