PhilHealth President Edwin Mercado, bagong kalihim ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,866 total reads

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si PhilHealth President at Chief Executive Officer Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health o DOH.

Kinumpirma ito ni Communications Undersecretary Claire Castro ngayong Agosto 10.

Papalitan ni Mercado si Dr. Jose Pujalte Jr., na itinalaga bilang kalihim ng DOH noon lamang nakaraang buwan.

Ayon kay Castro, may malawak na karanasan si Mercado sa pamamahala ng mga institusyong pangkalusugan at nagsilbi bilang president at CEO ng iba’t ibang ospital mula 2000 hanggang 2016.

Samantala, itinalaga naman si Dr. Beverly Lorraine Ho bilang Acting President ng PhilHealth.

Si Ho ay kasalukuyang Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc. at dati nang nagsilbi sa Department of Health bilang Assistant Secretary noong 2023 hanggang 2024 at Undersecretary noong 2022.

Sinabi ni Castro, na boluntaryong nagbitiw si Pujalte, at hindi sinagot kung may kaugnayan ito sa kasong isinampa laban sa dating kalihim.

“Sa ngayon ay hindi po natin masasagot. Siya naman po ang boluntaryong nag-resign at ito naman po ay tinanggap ng ating Pangulo,” ayon kay Castro.

Dagdag pa ng opisyal, “Kung ito naman po ay nakasampa na po sa Ombudsman, nasa kamay na po ng Ombudsman ang pag-iimbestiga kung anuman po ang naireklamo laban kay dating Secretary Pujalte.”

Ang reklamo laban kay Pujalte ay una nang iniendorso ng Presidential Complaints Center sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sinasabing mga alegasyon ang sinadyang pagkaantala sa pagbili o procurement ng mga gamot at iba pang suplay para sa paggamot sa tuberculosis.

Inihain ang reklamo isang linggo matapos itanggi ni Pujalte ang mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa pagsusugal sa mga casino sa Parañaque City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 18,125 total reads

 18,125 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 66,698 total reads

 66,698 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 167,964 total reads

 167,964 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 238,140 total reads

 238,140 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 323,599 total reads

 323,599 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top