Malaking populasyon, hindi problema.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total reads

Hindi dapat na ituring na problema ng pamahalaan ang patuloy na paglaki ng populasyon ng Pilipinas.

Ito ang panawagan ni Rita Linda Dayrit – President ng Pro-Life Philippines Foundation sa pamahalaan kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatalakayin sa cabinet meeting ang paglaki ng bilang ng populasyon ng bansa.

Paliwanag ni Dayrit, dapat tutukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng mas magandang oportunidad para sa lahat sa halip na population control.

Naninindigan si Dayrit na sapat ang resources ng gobyerno sa lumalaking populasyon ng bansa.

Ayon kay Dayrit, dapat harapin ng gobyerno ang problema sa kawalan ng sapat na industriya sa mga malalayong lalawigan, kakulangan ng hanapbuhay, kawalan ng trabaho, kawalan ng programa sa agriculture sector, mga mangingisda at pagkakaloob ng kalidad na edukasyon maging sa mga mahihirap.

“Tingin ko yung resources is enough sana mas tutukan nila yung industry sa country side, pag-create ng jobs for the poor, the educational system, yung nutrition for the poor lalo na yung mga bata ano, kasi yung population control hindi naman malaking problema yun…” pahayag ni Dayrit sa Radio Veritas

Bukod dito, iginiit ni Dayrit na kung matitiyak lamang ng pamahalaan na mapupunta sa mga Filipino ang angking yaman o resources ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsugpo sa kurapsyon at katiwalian ay hindi na nararapat pang pangambahan ang paglaki ng populasyon dahil sa higit pang kasapatan nito para sa mga Filipino.

“Sana ang pag-usapan nila is paanong mababawasan ang kurapsyon para ang resources ng Pilipinas ay mapunta sa Filipino,tutukan yung mga malpractices sa gobyerno, sa mga kontrata para siguraduhin natin na may perang matitira sa ating mga kababayan. Bigyan pansin yung mga nasa laylayan ng lipunan.”panawagan ni Dayrit sa pamahalaan.

Inihayag ni Pangulong Duterte ang pagtalakay sa mas epektibong family planning sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Antique.

Batay sa tala POPCOM o Commission on Population noong Enero 2016, tinatayang umaabot na sa 102.4 milyon ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas na itinuturing na “ika-labintatlong bansa na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo”.

Magugunitang sa naganap na pagbisita sa Pilipinas ni Pope Francis noong Enero ng taong 2015, ay hinamon nito ang lahat ng sektor ng lipunan na talikdan at iwasan ang anumang uri ng kurapsyon at katiwalian na umaangkin sa pondong nararapat para sa mga mahihirap.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 11,988 total reads

 11,988 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 14,316 total reads

 14,316 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 31,735 total reads

 31,735 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 81,487 total reads

 81,487 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 175,712 total reads

 175,712 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 236,201 total reads

 236,201 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 250,108 total reads

 250,108 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 328,585 total reads

 328,585 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 11,989 total reads

 11,989 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 14,317 total reads

 14,317 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top