151 total views
Pinapalakas ng Commission on Human Rights ang ugyanan sa iba’t-ibang human rights organizations maging sa Philippine National Police para matiyak na maayos at naayon sa batas ang operasyon ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan.
Positibo si CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia na sa pamamagitan ng Human Rights Affairs Office ng PNP ay magkakaroon ng access o daan ang Kumisyon sa isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa mga drug related cases.
“Ang CHR ay nagkaroon ng ugnayan sa lahat ng mga human rights organizations kasama na dito ang Amnesty International at isa sa mga kongkretong napagpulungan ng CHR saka ng Philippine National Police through is Human Rights Affairs Office ay yung aming request na bigyan kami ng access sa kanilang mga police investigation reports at saka magkaroon ng pagkakataon na makipagdayalogo kay Chief PNP…”pahayag ni de Guia sa panayam sa Radio Veritas.
Inaasahan ng kumisyon na magiging maayos na ang operasyon ng mga pulis upang tuluyang masugpo ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot at matigil na ang pagkamatay ng mga sangkot sa iligal na Gawain.
Sa tala ng P-N-P National Monitoring Center, mula March 1 hanggang April 16 o sa loob lamang ng 47 araw ay umaabot na sa 131-indibidwal ang namatay sa Oplan Double Barrel reloaded, habang umaabot na sa 9,692 ang naarestong drug personalities.
Unang nanawagan ang Simbahang Katolika na magagapi lamang ang paglaganap ng culture of death sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagsusulong ng bawat Kristyano sa culture of life o pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay na biyaya ng Panginoon.