Pagtutulungan ng pamahahalaan at pribadong sektor, mahalaga sa malawak na access ng mga Pilipino sa health care

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,477 total reads

Isinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang mas mapalawak ang access ng mga Pilipino sa kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Ito ang mensahe ng Pangulo sa paglagda ng Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at St. Luke’s Medical Center-Global City, na layong palakasin ang pagpapatupad ng Universal Health Care at gawing mas accessible ang PhilHealth benefits sa mga kwalipikadong miyembro.

Ayon kay Marcos, hindi nangangahulugang kayang agad bayaran ng isang pasyente ang pagpapagamot sa pribadong ospital dahil lamang sa pagpili nito, lalo na kung kinakailangan ng specialized expertise, advanced equipment at complex medical treatments kaya binigyang-diin ng Pangulo na kailangang mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilyang nangangailangan ng gamutan, kaya patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang mga programang naglalayong bawasan ang out-of-pocket expenses ng mga pasyente.

Kabilang dito ang zero-billing sa mga DOH hospital, medical assistance para sa indigent at financially incapacitated patients, PhilHealth YAKAP para sa libreng konsultasyon, laboratory tests at cancer screening, gayundin ang GAMOT program para sa mga kinakailangang gamot sa outpatient treatment.

“By joining this effort, St. Luke’s also sends an important message: that quality care in leading private hospitals can be made more accessible to qualified PhilHealth members, and that both government and the private sector have a role in making universal healthcare work,” ayon sa mensahe at talumpati ng Pangulo sa MOA Signing.

Hinikayat naman ng Pangulo ang iba pang ospital sa buong bansa na suportahan ang PhilHealth sa pagpapatupad ng no co-payment policy, upang matiyak na walang Pilipino ang mapagkakaitan ng kinakailangang pangangalagang medikal dahil lamang sa kakulangan sa pera.

Sa ilalim ng MOA, tutulungan ng St. Luke’s at PhilHealth ang mga kwalipikadong miyembro na maunawaan at magamit ang kanilang mga benepisyo, kabilang ang pagkumpleto ng kinakailangang dokumento at pagproseso ng kanilang healthcare benefits.

Samantala, sinabi ni St. Luke’s Medical Center-Global City Senior Vice President at Chief Medical Director Dr. Anthony Perez na nakahanda ang kanilang medical community na maging bahagi ng mas pormal na pagpapatupad ng Universal Health Care at mga programa ng PhilHealth.

Ayon kay Perez, mahalaga rin ang malinaw na impormasyon sa publiko, kabilang ang mga numerong maaaring tawagan ng mga pasyente upang malaman ang mga serbisyong maaari nilang mapakinabangan.

Inihayag din ni Perez na bago pa man ang MOA signing ay nakatulong na ang St. Luke’s sa humigit-kumulang 55 buntis na pasyente, at umaasa siyang mas mapalalawak pa ng partnership ang kakayahan ng pribadong sektor na makatulong sa Universal Health Care.

“The mere fact na nandito po kayo at tinutulungan niyo kaming ma-inform ang taong bayan na private health hospitals like St. Luke’s are beginning to cooperate and then work closely with government, malaking bagay na po ‘yun,”  bahagi naman ng panayam ng Radyo Veritas kay Dr.Perez

Samantala, ipinaliwanag ni PhilHealth Vice President for Quality Assurance Group Dr. Alfred Philipp De Dios na maaaring i-avail ng mga miyembro ang mga inpatient benefit packages ng PhilHealth, bagama’t may kani-kaniyang requirements ang bawat healthcare facility para sa admission at pagkuha ng benepisyo.

Ayon naman kay St. Luke’s Associate Director for Social Services and Outpatient Department Khim Urmatam, kabilang sa mga tinutulungan ng ospital ang mga pasyenteng manganganak, kung saan pinagsasama ang PhilHealth coverage at tulong ng ospital upang matugunan ang kanilang gastusin.

“Since ang maternal namin is no-balance billing, para ‘yung baby wala na ring bayaran, combined ng PhilHealth tapos tulong, kino-cover na din namin. Para pati ‘yung may ibibigay walang babayaran, basta kasabay niyong umuwi within 24 hours,” ayon naman sa mensahe ni Urmatam.

Kahanay naman ang inisyatibo ng ensiklikal ni Pope Francis na Fratelli Tuti kung saan inuuna ng mga may kapangyarihan o lingkod bayan ang pagkakapatiran upang makamit ang nag-iisang layunin tungo sa pangangalaga ng kapakanan at ikabubuti ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan.

Kahanay naman ang inisyatibo ng ensiklikal ni Pope Francis na Fratelli Tuti kung saan inuuna ng mga may kapangyarihan o lingkod bayan ang pagkakapatiran upang makamit ang nag-iisang layunin tungo sa pangangalaga ng kapakanan at ikabubuti ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,843 total reads

 15,843 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,943 total reads

 52,943 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,213 total reads

 279,213 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,680 total reads

 172,680 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,917 total reads

 265,917 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top