Diocese of Borongan at DepEd, lumagda sa Project SARIG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,608 total reads

Naniniwala si Borongan Bishop Crispin Varquez na malaking hakbang ang pagtutulungan ng Simbahang Katolika at Department of Education (DepEd) sa pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga paaralan, lalo na sa paghubog ng asal at pagpapahalaga ng mga mag-aaral.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay ng paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Project SARIG.

“This church partnership with DEPED will help solve our problems in the schools this time,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radyo Veritas.

Nilagdaan noong August 25 sa Borongan City, Eastern Samar ang kasunduan sa pagitan ng DepEd Schools Division of Eastern Samar, na kinakatawan ni Schools Division Superintendent Dr. Gorgonio G. Diaz Jr., at ng Diocese of Borongan sa pangunguna ni Bishop Varquez.

Sa ilalim ng Project SARIG o Strengthening Maka-Diyos and Maka-Tao Core Values Through Voluntary Catechism Sessions for Holistic Learner Wellness, magsasagawa ng boluntaryong pagtuturo ng katesismo sa mga kalahok na pampublikong paaralan upang patatagin ang Maka-Diyos at Maka-Tao na pagpapahalaga ng mga mag-aaral.

Binigyang-diin ng obispo na mahalagang pagtibayin ang Good Manners and Right Conduct o GMRC at ang values formation sa loob ng paaralan.

“GMRC and the formation of values in our students are very important. The presence of religious men and women, as well as our catechists, in schools has a significant impact on our students,” giit ni Bishop Varquez.

Sinabi ni Bishop Varquez na ito ay isa sa mga hakbang upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap at kinasasangkutan ng mga kabataan, tulad ng mga karahasang nangyayari sa loob ng mga institusyong pang-edukasyon.

Layunin ng programa na suportahan ang espirituwal, moral at social wellness na kapakanan ng mga mag-aaral, palakasin ang kakayahan ng mga guro at katekista sa values integration, at magtatag ng sistema ng monitoring at evaluation.
Tiniyak ng MOA na ang mga sesyon ay boluntaryo at isasagawa sa labas ng oras ng klase.

Magtatalaga ang diyosesis ng mga katekista, habang pangangasiwaan naman ng DepEd ang pagpili ng mga kalahok na paaralan, pagsubaybay sa pagpapatupad at pagsunod sa mga patakaran sa child protection.

Magiging epektibo ang kasunduan sa loob ng tatlong taon at maaaring i-renew sa pamamagitan ng kasunduan ng dalawang panig.

Dumalo rin sa MOA signing sina ASDS Raymund Capacite at SGOD Chief Dr. Marixel Evardone ng DepEd Eastern Samar habang kasama naman ni Bishop Varquez sa panig ng simbahan si Fr. Michael Kay Rebamontan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,510 total reads

 17,510 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,538 total reads

 54,538 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,808 total reads

 280,808 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,275 total reads

 174,275 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,372 total reads

 267,372 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top