Uniformed personnels at disaster response team, pinag-iingat ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,024 total reads

Nanawagan si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga uniformed personnel at mga frontliner sa disaster response na mag-ingat, manatiling matatag at patuloy na magtiwala sa pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad na nananalasa sa bansa.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Bishop Florencio ang kanyang panalangin para sa mga opisyal, volunteers, kinatawan at kawani ng mga National at Local Disaster Risk Reduction Management Council , uniformed services at volunteers na patuloy na tumutulong at naglilingkod sa mga komunidad na apektado ng masamang panahon.

Hinimok din ng Obispo ang mga opisyal ng pamahalaan na tuparin ang kanilang tungkulin at huwag hayaang patuloy na maghirap ang kapwa Pilipino, kasabay ng panawagan na itigil muna sa panahon ng krisis ang alitan at pairalin ang pagkakaisa sa pagtugon sa kalamidad.

“Para sa mga personnel sa DRRM and other volunteers kaunting ingat kayo at magtiwala lang tayo sa pamahalaan na babangon tayo na matagumpay. Para sa taong sa gobyerno, huwag natin hayaan na manatiling mag hihirap ang ating mga kababayan, tugunan natin ang ating mga tungkulin, tama na ang pagbabangayan, let us fold our hands in prayer to God na ilayo tayo sa makasarili at hindi makatarungan pag-aalagad, Amen,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Habang para naman sa mga Pilipino, nanawagan si Bishop Florencio na patuloy na kumapit sa pananampalataya at manalig sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok, dahil darating din ang panahon ng pagbangon at muling sisikat ang araw para sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa Panginoon.

“My prayers go to the victims of the recent calamities especially the typhoons, rest assured that God knows this calamities kaput lang tayo, sisikat din ang araw pra sa atin na meron pananampapataya sa Diyos,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Batay sa 11AM update ng NDRRMC ngayong August 29, sa patuloy na pangangalap ng opisyal na datos ay umabot na sa 32 ang nasawi, 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala dahil sa epekto ng Habagat, LPA at mga nagdaang bagyo, habang nasa 8-milyong katao ang naapektuhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 13,129 total reads

 13,129 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 52,447 total reads

 52,447 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 87,747 total reads

 87,747 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 314,016 total reads

 314,016 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 206,618 total reads

 206,618 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top