503 total reads
Nanalangin si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos para sa proteksyon at kapayapaan ng mga Pilipinong apektado ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang pinsalang dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa kanyang panalangin, hiniling ni Bishop Santos sa Panginoon na pahupain ang malalakas na ulan, pigilan ang pagbaha at patatagin ang lupa upang maprotektahan ang bawat pamilya, bata, manggagawa, rescuer at iba pang nasa panganib.
“We beg You: stretch out Your mighty hand and calm the rains. Hold back the floods. Strengthen the land. Protect our communities. Guard every family, every child, every worker, every rescuer, and every soul caught in danger. We pray that no lives be lost, that casualties be prevented, and that damages be minimized. Let Your angels stand watch over those in evacuation centers, those stranded on roads, and those who have nowhere to go,” ayon sa pananalangin at mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Ipinanalangin din ng Obispo ang mga nawalan ng tahanan at kabuhayan, mga lumikas at nananatili sa evacuation centers, gayundin ang mga na-stranded at walang matuluyan. Hiniling niya na maiwasan ang pagkasawi ng buhay at mabawasan ang pinsala sa mga komunidad, partikular sa Luzon at ilang bahagi ng Mindanao.
Hinimok din ni Bishop Santos ang mga Pilipino na magkaisa at magtulungan sa panahon ng krisis, sa pamamagitan ng malasakit, pagkakawanggawa at pakikiisa sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong.
Ipinagdasal din niya ang mga lider ng pamahalaan, responders, volunteers at frontliners, na pagkalooban sila ng karunungan, lakas at proteksyon sa kanilang pagtugon sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.
Sa huli, hiniling ni Bishop Santos ang pamamagitan ni Birheng Maria, Our Lady of Peace and Good Voyage, upang mapangalagaan ang bansa at maakay ang mga Pilipino tungo sa kaligtasan, kapayapaan at higit na pagtitiwala sa Diyos bilang kanlungan at lakas sa gitna ng unos.
“Mother Mary, Our Lady of Peace and Good Voyage, cover our nation with your mantle. Intercede for us. Protect us. Lead us to safety. Bring us to your Son, our refuge and strength. Lord God, calm the storms around us and the storms within us. Grant us peace in our hearts, peace in our families, and peace in our communities. Renew our land. Restore our homes. Strengthen our hope. We entrust the Philippines to Your loving care. You are our shelter, our shield, and our salvation. Amen,” bahagi pa ng mensahe at pananalangin na pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Ngayon araw, ayon sa mga ulat ng PAG-ASA Weather Forecasting Center, bagamat walang bagamat walang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility pasado alas-onse ng umaga, patuloy na pinapalakas ng Low Pressure Area ang epekto ng Southwest Monsoon o habagat kaya pangunahing nakakaranas ng malalakas na pag-ulan na maaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng Lupa ang Metro Manila, Ilocos Sur. Pangasinan
La Union, Bengue, Bataan , Zambales, Tarlac, Pampanga.




