Uniformed personnels at disaster response team, pinag-iingat ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,660 total reads

Nanawagan si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga uniformed personnel at mga frontliner sa disaster response na mag-ingat, manatiling matatag at patuloy na magtiwala sa pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad na nananalasa sa bansa.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Bishop Florencio ang kanyang panalangin para sa mga opisyal, volunteers, kinatawan at kawani ng mga National at Local Disaster Risk Reduction Management Council , uniformed services at volunteers na patuloy na tumutulong at naglilingkod sa mga komunidad na apektado ng masamang panahon.

Hinimok din ng Obispo ang mga opisyal ng pamahalaan na tuparin ang kanilang tungkulin at huwag hayaang patuloy na maghirap ang kapwa Pilipino, kasabay ng panawagan na itigil muna sa panahon ng krisis ang alitan at pairalin ang pagkakaisa sa pagtugon sa kalamidad.

“Para sa mga personnel sa DRRM and other volunteers kaunting ingat kayo at magtiwala lang tayo sa pamahalaan na babangon tayo na matagumpay. Para sa taong sa gobyerno, huwag natin hayaan na manatiling mag hihirap ang ating mga kababayan, tugunan natin ang ating mga tungkulin, tama na ang pagbabangayan, let us fold our hands in prayer to God na ilayo tayo sa makasarili at hindi makatarungan pag-aalagad, Amen,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Habang para naman sa mga Pilipino, nanawagan si Bishop Florencio na patuloy na kumapit sa pananampalataya at manalig sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok, dahil darating din ang panahon ng pagbangon at muling sisikat ang araw para sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa Panginoon.

“My prayers go to the victims of the recent calamities especially the typhoons, rest assured that God knows this calamities kaput lang tayo, sisikat din ang araw pra sa atin na meron pananampapataya sa Diyos,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Batay sa 11AM update ng NDRRMC ngayong August 29, sa patuloy na pangangalap ng opisyal na datos ay umabot na sa 32 ang nasawi, 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala dahil sa epekto ng Habagat, LPA at mga nagdaang bagyo, habang nasa 8-milyong katao ang naapektuhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 144,569 total reads

 144,569 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 202,735 total reads

 202,735 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 339,240 total reads

 339,240 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 451,245 total reads

 451,245 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 106,265 total reads

 106,265 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top