Bishop Pabillo, nanawagan ng tulong at dasal sa mga biktima ng baha sa Central Luzon at Metro Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,420 total reads

Nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng panalangin at tulong para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng ilang linggong pag-ulan sa Luzon, partikular ang mga arawan at wage earners na hindi makapagtrabaho dahil sa masamang panahon

Bagamat hindi malaki ang epekto ng kalamidad sa Palawan at nananatiling mainit ang panahon sa lugar, nakikiisa at hiniling ni Bishop Pabillo sa panginoon na bigyan ng lakas ng loob mga patuloy na naghihirap dahil sa walang tigil na pag-ulan.

“Tungkol sa kalagayan po dito sa Palawan, ay hindi naman masama, kasi hindi naman ganoon kalaki ang disaster dito sa Palawan. Wala kaming masyadong ulan, in fact, mainit, kami ay mainit dito. Pero ang makulimlim lamang panahon.Kaya kami nakikiisa sa mga talagang naghihirap dahil po sa mga ilang dalawang linggo na, tatlong linggo na ulan diyan sa Luzon. Panginoon, basbasan niyo po sila, bigyan sila ng lakas ng loob at sana po ay maging maganda na ang panahon upang hindi patuloy ang kanilang paghihirap diyan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ipinagdasal din ng Obispo ang mga manggagawang umaasa sa araw-araw na kita, dahil kapag hindi sila nakapagtrabaho nang ilang linggo, direktang naaapektuhan ang kanilang pamilya at kakayahang makabili ng pagkain

Sa huli, sa kanyang panalangin, hiniling ni Bishop Pabillo na pagkalooban ng Diyos ng pagkain, lakas at mga taong makatutulong ang mga pamilyang dumaranas ng hirap, at mabigyan sila ng pagkakataong makabangon sa sandaling bumuti ang panahon

“Lalong-lalo na po, iniisip ko ang mga arawan, ang mga wage earners, na umaasa lamang sa kanilang trabaho araw-araw. E yung tatlong linggo na ulan, sila ay hindi na makapagtrabaho, kawawa naman ang kanilang pamilya. Panginoon, patasagin mo ang loob nila, bigyan sila ng pagkain at sana ang mga taong makakatulong sa kanila sa ganitong panahon. At ang magandang panahon, sana makabawi sila, sana wala silang trabaho at walang pagkakataon sa kanilang hanapbuhay,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit 8.6-million na bilang ng Pilipino na katumbas ng 2.4-million na bilang ng pamilya na ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay, Neneng at Southwest Monsoon, habang 32 ang naitalang nasawi at 19 ang nasugatan.

Umabot naman sa higit 6.1-billion pesos ang pinsala sa imprastraktura at 2.3 billion pesos sa agrikultura, habang umaabot sa 174-thousand naman ang kasalukuyang bilang ng mga nananatili sa mga evacuation centers

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,986 total reads

 66,986 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,636 total reads

 102,636 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,936 total reads

 137,936 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,206 total reads

 364,206 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,823 total reads

 253,823 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top