845 total reads
Tiniyak ng Caritas Manila ang kagyat na pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong nasalanta ng magkakasunod na kalamidad sa Pilipinas.
Sa nakalipas na araw ay naghatid na ng tulong ang Caritas Manila sa mahigit isang libong pamilyang naapektuhan ng habagat at pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.
Ayon kay Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual, patuloy na tinutugunan ng social arm ng Archdiocese of Manila ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad, partikular ang mga mahihirap na nawalan o naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa matagal na pagbaha
“Patuloy po ano ang Caritas Manila, ang social arm ng ating Archdiocese of Manila, na tugunan ang mga napakaraming biktima ng habagat nga at itong baha ‘no, na nakaaapekto sa ating lahat, lalong-lalo na sa mahihirap ‘no sa buong Luzon. At kasama po diyan ang kalakhang Maynila. Nawa’y magdasal po tayo na matigil na itong habagat na ito at maka-recover na ang mga libo-libong biktima sa kanilang ordinaryong gawain ‘no, lalong-lalo na sa kabuhayan” ayon sa
Hiniling din ng pari ang panalangin para sa agarang paghupa ng habagat at pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan, kasabay ng panawagan sa pamahalaan na tugunan ang problema sa flood control at maiwasan ang korapsyon upang mas maging epektibo ang pagtugon sa mga kalamidad
Ayon kay Father Pascual, hindi ang ulan ang pangunahing problema kundi ang pagbaha na maaaring maiwasan sana sa pamamagitan ng maayos na pamamahala at epektibong flood control measures
“At syempre ipagdasal po natin ang pamahalaan ‘no na tugunan itong flood control problems na ito at iwasan na itong korapsyon upang tunay na makatulong ang pamahalaan maibsan ang paghihirap ng mga biktima ng pagbaha. Wala naman problema sa ulan eh, ang problema natin baha. Ang baha ay gawa lang ng tao ‘yan na pwede nating maiwasan sa pamamagitan ng isang matinong pamahalaan.” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual
Sa huling nakalap na datos ng Caritas Manila noong August 28 2026, araw ng Biyernes, kabilang sa mga nakatanggap ng in-kind assistance ang 200 pamilya sa Diocese of Tarlac, 300 sa Diocese of San Fernando, 180 sa Diocese of Pasig, 200 sa Diocese of Malolos at 150 sa Diocese of Romblon
Sa kabuuan, nasa 1,030 pamilya o tinatayang 5,150 indibidwal ang nakatakdang makatanggap ng tulong, na may pending assistance na nagkakahalaga ng 1.3-million pesos.




