Ordinaryong Pilipino na tumutulong sa kapwa, kinilala ng mga opisyal ng simbahan na bagong bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,455 total reads

Kinilala ng mga Pastol ng Simbahan ang mga bayani ng bansa, gayundin ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na naglilingkod at tumutulong sa kapwa, bilang mga ehemplo ng kabayanihan ngayong National Heroes Day.

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino na tularan ang kabayanihan ng mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti, pagmamahal sa bayan at malasakit sa mga nangangailangan.

Hiniling ni Bishop Pabillo sa mga Pilipino na magpasalamat sa Diyos para sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay at naglingkod para sa kapakanan ng bansa, at gawing inspirasyon ang kanilang kabayanihan upang manatiling matatag sa paggawa ng kabutihan.

Binigyang-diin din ng obispo na hindi lamang dapat alalahanin ang mga bayani ng nakaraan, kundi isabuhay din ang diwa ng kabayanihan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at pagsusulong ng kabutihan ng buong bayan.

“Ngayon din ay ang National Heroes Day, kaya ipagdasal ipagpapasalamat tayo sa Diyos sa mga bayani ng ating bayan. At sana ang mga kabayanihan nila ay mag-udyok din sa atin na maging matatag sa paggawa ng kabutihan at magkaroon ng pagmamahal sa bayan, dahil dapat nating isipin hindi lang ang kabutihan ng pangkalahatan at isisikapin natin na makatulong sa namang paraan sa ating mga kapatid na nangailangan sa ating bayan. Ito ay hinihiling namin sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen,” ayon as panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Tinawag naman ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang mga volunteers na tumutulong sa mahihirap at humaharap sa iba’t ibang kalamidad bilang mga bagong bayani ng bayan.

Ayon kay Father Pascual, kabilang sa mga bagong bayani ang mga patuloy na naglilingkod sa mga biktima ng kalamidad, kabilang ang halos 5,000 volunteers ng Caritas Manila mula sa iba’t ibang parokya sa Archdiocese of Manila at iba pang katuwang na diyosesis.

Hinimok niya ang mga mananampalataya na isabuhay ang diwa ng volunteerism sa kanilang mga parokya at barangay upang makatulong sa mga kababayang mahihirap na madalas na naaapektuhan ng mga kalamidad, gawa man ng tao o ng kalikasan.

Sa huli, ayon pa kay Father Pascual na ang pagiging bayani ay maaaring isabuhay sa pamamagitan ng paglilingkod at pagtulong sa kapwa, kasabay ng panawagan na maging banal sa araw-araw.

“Mayroon din tayong mga bagong bayani? Ngaun po, ‘yun pong mga humaharap sa mga iba’t-ibang mga disaster at gawain ng pagtulong sa mahirap, andiyan po ‘yung mga volunteers natin. Sa Caritas Manila, halos 5,000 ang ating volunteers na siyang nag-i-implementa ng mga programa sa mahirap, ng matulungan ang mahirap. Kaya’t ipagdasal po natin ang kahalagahan ng volunteerism at kayo pong mga kapanalig ‘no, nawa’y mag-volunteer din tayo sa ating parokya, sa ating barangay at matulungan natin ang ating mga kababayang mahirap na palaging biktima ng anumang kalamidad, gawa man ng tao o gawa ng kalikasan. Maging bayani po tayo at banal sabi nga ni Archbishop Soc Villegas. Amen,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Pascual.

Ngayong taon, itinalaga ng Pamahalaan ng Pilipinas ang pagdiriwan ng National Heroes Day sa temang ‘Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan’ na layuning kilalanin ang kabayanihan ng mga Pilipino hindi lubhang kilala o tanyag, nagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas at isinusulong ang pagkakaisa tungo sa nag-iisang hangarin ng pag-unlad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,917 total reads

 19,917 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,210 total reads

 43,210 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,711 total reads

 79,711 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,335 total reads

 300,335 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,857 total reads

 333,857 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top