853 total reads
Ito ang binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang ika-25 episcopal anniversary sa misang ginanap sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, habang inaalala ang iba’t ibang hamon na kanyang hinarap, kabilang ang mga death threat at maling paratang na kanyang natanggap dahil sa kanyang paglilingkod bilang obispo.
“Here, I ate death threats for dinner just a few years ago. Here, I was falsely accused of inciting sedition. Can a bishop’s life be less troubled and thus smoother? It was not meant to be so,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
Ayon sa arsobispo, ang pagiging pastol ng Simbahan ay hindi maaaring ihiwalay sa panganib, pangungutya at takot, subalit iginiit na ang mga ito ay dapat harapin nang may matatag na pananampalataya sa Diyos.
“Comfort and peace is for heaven. Here on earth, we live in trust and faith, beyond their insults and beyond my fears,” ani ng arsobispo.
Aminado ang arsobispo na, kaakibat ng kanyang pagtanggap sa misyon bilang pastol ng Lingayen-Dagupan noong 2009, hinarap niya ang takot sa pagtanggi, pangamba sa mga inaasahan ng mga tao, at kawalan ng katiyakan sa bagong lugar. Gayunman, sinabi niyang pinili niyang magmahal.
“Beyond my fears and doubts, beyond my uncertainties and ignorance of the language, I just chose to love. And love is all I have done for the priests of Lingayen-Dagupan,” saad ni Archbishop Villegas.
Binigyang-halaga ng arsobispo ang kanyang kaugnayan sa mga pari ng arkidiyosesis, na naging sentro ng kanyang bokasyon bilang obispo.
Sa mga susunod na taon ng kanyang paglilingkod, hiniling niya sa Panginoon ang pagkakataong ganap na maialay ang kanyang buhay.
“Only one thing I ask of the Lord for the years ahead: give me a chance to give you my life until the last breath,” ani ng arsobispo.
“My ambition is to be a burnt-out candle, melted down to the very last drop of wax, and completely spent, having used all its heat and light to brighten the world with the beautiful gifts God has given me.”
Samantala, sa homiliya ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr., sinabi nitong ang kapayapaang isinabuhay ni Archbishop Villegas ay hindi katahimikang umiiwas sa katotohanan at mahihirap na pag-uusap.
“Sometimes, silence is simply fear wearing a peaceful face. The quiet born from convenience or compromise is fake peace,” ani Bishop Sescon.
Binigyang-diin ng obispo na kailangan ng bansa ang mga propetang handang magsalita para sa mahihirap, katotohanan, at kabutihang panlahat, tulad ng mga halimbawa sa ministeryo ni Archbishop Villegas sa kanyang pagpapastol sa simbahan.
“We need prophets who speak when corruption becomes normal, when the vulnerable are forgotten, and when political power becomes more important than the common good,” aniya.
Si Archbishop Villegas ay inordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong 1985 at ginampanan ang ministeryo ng pagpapari sa iba’t ibang tanggapan ng arkidiyosesis.
July 25, 2001 nang italagang katuwang na obispo ng arkidiyosesis, 2004 nang italagang obispo ng Balanga habang 2009 naman nang mailipat sa Lingayen-Dagupan.




