Pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 845 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila ang kagyat na pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong nasalanta ng magkakasunod na kalamidad sa Pilipinas.

Sa nakalipas na araw ay naghatid na ng tulong ang Caritas Manila sa mahigit isang libong pamilyang naapektuhan ng habagat at pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual, patuloy na tinutugunan ng social arm ng Archdiocese of Manila ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad, partikular ang mga mahihirap na nawalan o naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa matagal na pagbaha

“Patuloy po ano ang Caritas Manila, ang social arm ng ating Archdiocese of Manila, na tugunan ang mga napakaraming biktima ng habagat nga at itong baha ‘no, na nakaaapekto sa ating lahat, lalong-lalo na sa mahihirap ‘no sa buong Luzon. At kasama po diyan ang kalakhang Maynila. Nawa’y magdasal po tayo na matigil na itong habagat na ito at maka-recover na ang mga libo-libong biktima sa kanilang ordinaryong gawain ‘no, lalong-lalo na sa kabuhayan” ayon sa

Hiniling din ng pari ang panalangin para sa agarang paghupa ng habagat at pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan, kasabay ng panawagan sa pamahalaan na tugunan ang problema sa flood control at maiwasan ang korapsyon upang mas maging epektibo ang pagtugon sa mga kalamidad

Ayon kay Father Pascual, hindi ang ulan ang pangunahing problema kundi ang pagbaha na maaaring maiwasan sana sa pamamagitan ng maayos na pamamahala at epektibong flood control measures

“At syempre ipagdasal po natin ang pamahalaan ‘no na tugunan itong flood control problems na ito at iwasan na itong korapsyon upang tunay na makatulong ang pamahalaan maibsan ang paghihirap ng mga biktima ng pagbaha. Wala naman problema sa ulan eh, ang problema natin baha. Ang baha ay gawa lang ng tao ‘yan na pwede nating maiwasan sa pamamagitan ng isang matinong pamahalaan.” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual

Sa huling nakalap na datos ng Caritas Manila noong August 28 2026, araw ng Biyernes, kabilang sa mga nakatanggap ng in-kind assistance ang 200 pamilya sa Diocese of Tarlac, 300 sa Diocese of San Fernando, 180 sa Diocese of Pasig, 200 sa Diocese of Malolos at 150 sa Diocese of Romblon

Sa kabuuan, nasa 1,030 pamilya o tinatayang 5,150 indibidwal ang nakatakdang makatanggap ng tulong, na may pending assistance na nagkakahalaga ng 1.3-million pesos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 11,521 total reads

 11,521 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 49,932 total reads

 49,932 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 68,142 total reads

 68,142 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 152,470 total reads

 152,470 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 189,256 total reads

 189,256 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,263 total reads

 19,263 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top