Simbahan, hinimok na palakasin ang pagtuturo ng tunay na aral ng pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,154 total reads

Hinimok ng isang Catholic exorcist ang Simbahan na palakasin ang pagtuturo ng tunay na aral ng pananampalataya upang maprotektahan ang mga mananampalataya laban sa mga pamahiin at mga occult practices na nagdudulot ng matinding suliraning espirituwal.

Ayon kay Fr. Darwin Gitgano, exorcist ng Diocese of Tagbilaran at may-akda ng An Exorcist’s Real Encounters in Philippine Culture, isa sa mga maituturing na sanhi ng problema ay ang kakulangan ng wastong katesismo sa mga mananampalataya.

“Karamihan sa atin ay hindi na na-catechize sa tunay at dalisay na aral ng simbahan, kaya na-contaminate yung mga kapatid natin,” pahayag ni Fr. Gitgano sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng pari na mas maraming nakikitang kaso ng tinatawag na “obsession” o matinding negatibong pananaw at pag-iisip kumpara sa aktuwal na demonic possession.

“Yung possession ay hindi naman marami. Pero yung oppression, ang dami. Mas marami yung obsession,” dagdag pa ni Fr. Gitgano.

Partikular na binigyang-pansin ng exorcist priest ang kalagayan ng mga kabataan na aniya’y nakararanas ng matinding negatibong pananaw sa buhay.

“Yung mga kabataan ngayon ay negatibo na sa buhay, maraming mag-commit ng suicide. So naturally may problema sila, problematic, traumatic, natural ’yun. Pero ang demonyo, i-intensify niya, i-amplify niya,” paliwanag ng pari.
Dahil dito, nanawagan si Fr. Gitgano ng mas malalim na spiritual formation, kabilang ang pagbabasa ng Bibliya at ng mga buhay ng mga santo at mga martir.

“Kailangan ma-educate natin yung mga tao para yung harassment niya, obsession sa isipan pa lang, doon na natin haharapin siya,” giit ng pari.

Samantala, sa isang panayam ng himpilan kay Manila Chief Exorcist Fr. Jocis Syquia, ibinahagi nitong dalawa hanggang tatlong kaso ang kanilang tinatanggap araw-araw, na karamihan ay spiritual oppression.

Sa halip na umasa lamang sa exorcist, binigyang-diin ni Fr. Gitgano ang mahalagang papel ng pamilya sa patuloy na paggabay sa isang taong dumaraan sa ganitong karanasan.

Kabilang sa kanyang binigyang-diin ang regular na pagkukumpisal, pagtanggap ng Eukaristiya, pagdarasal ng Santo Rosaryo, adoration, paggamit ng mga sacramentals, at aktibong pakikibahagi sa buhay ng parokya.

“Yung spiritual growth nila, pagfo-focusan nila sa mataas na panahon dahil ’yun po ang real protection natin. Punta sila sa pari, maging active sila sa parokya,” ani Fr. Gitgano.

Inilunsad ni Fr. Gitgano ang kanyang aklat na An Exorcist’s Real Encounters in Philippine Culture sa booth ng St. Paul’s sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City noong September 10.

Mabibili ang aklat sa mga sangay ng St. Paul’s sa buong bansa at sa kanilang online store.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 2,383 total reads

 2,383 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 22,899 total reads

 22,899 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 85,210 total reads

 85,210 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 170,577 total reads

 170,577 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 217,313 total reads

 217,313 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 265,186 total reads

 265,186 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 364,921 total reads

 364,921 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top