Bishop Alminaza, nanawagan ng masusing pagsusuri at konsultasyon sa Pax Silica project sa Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,976 total reads

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Chairperson ng Church People-Workers Solidarity o CWS, para sa masusing pagsusuri at malawak na konsultasyon sa planong malaking Artificial Intelligence o AI at semiconductor development sa New Clark City, Tarlac, na bahagi ng inisyatibo ng ‘Pax Silica’.

Ayon sa CWS, bagamat may posibilidad ang proyekto na magdala ng investments, trabaho, technological advancement at skills development, ngunit hindi dapat maging kapalit nito ang dignidad ng tao, karapatan ng mga manggagawa, kapakanan ng mga komunidad at pangangalaga sa kalikasan.

““We do not begin with a predetermined rejection of Pax Silica, Neither do we give it a blank check, Our position is one of critical and constructive engagement. Where it serves human dignity, decent work, ecological sustainability, national development, and the common good, let us support it.Where safeguards are inadequate, let us demand better,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng CWS sa Radyo Veritas.

Partikular na hiniling ng CWS ang transparency sa paggamit ng lupa, tubig at enerhiya, gayundin ang independent environmental, social at human-rights assessments bago gumawa ng mga desisyong maaaring maging irreversible o maisasaayos pa.

Iginiit din ng CWS na hindi sapat ang dami ng trabahong maaring malikha, kundi dapat tiyakin ang living wages, security of tenure, ligtas na lugar ng trabaho, social protection at pagkakataon para sa skills development at technology transfer ng mga Pilipinong manggagawa.

Hinikayat naman ni Bishop Alminaza ang pamahalaan, industriya, mga manggagawa, katutubo, lokal na komunidad, akademya, mga simbahan at civil society na makilahok sa isang bukas at makabuluhang pambansang pag-uusap tungkol sa Pax Silica.

“Technological progress that produces precarious workers is not genuine progress, The future of work must also be a future of dignity, The Philippines must not simply provide land, water, energy, minerals, incentives, and labor while most of the enduring economic value is captured elsewhere, International cooperation can be mutually beneficial—but genuine partnership requires reciprocity, fairness, and respect for national sovereignty,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng CWS na hindi nito tahasang tinatanggihan ang proyekto, ngunit hindi rin ito nagbibigay ng blankong tseke, at naninindigan sa kritikal at konstruktibong pakikilahok upang matiyak na ang pag-unlad ay nagsisilbi sa dignidad ng tao, disenteng trabaho, kalikasan at kabutihang panlahat.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 39,796 total reads

 39,796 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 146,882 total reads

 146,882 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 232,251 total reads

 232,251 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,988 total reads

 278,988 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 326,860 total reads

 326,860 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 423,432 total reads

 423,432 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 47,080 total reads

 47,080 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top