Diocese of Cubao, nagpahayag ng paglilinaw sa pagpanaw ng 2-pari ng diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,692 total reads

Nagpayag ng paglilinaw ang Diocese of Cubao kaugnay sa pagpanaw nitong Setyembre 11, 2026 ng dalawang pari ng diyosesis na sina Rev. Fr. Edward Anthony A. Cometa at Rev. Fr. Michael James I. Ty na kapwa nasa De Los Santos Medical Center sa Quezon City.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Diocese of Cubao sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Rev. Fr. Ariston l. Sison, Jr., pumanaw si Fr. Edward Cometa alas-2:07 ng hapon dahil sa heart failure dulot ng dilated cardiomyopathy, habang si Fr. Michael Ty naman ay pumanaw alas-2:57 ng hapon matapos ang matagal na karamdaman dahil sa liver cirrhosis at hepatocellular cancer.

Tatanggapin ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF, D.D., ang mga labi ng dalawang pari sa Immaculate Conception Cathedral of Cubao ngayong Linggo, Setyembre 13, 2026 sa ganap na ala-una ng hapon, na susundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa para sa dalawang pari.

Pagkatapos ng Misa, dadalhin ang mga labi ni Fr. Ty sa Cathedral Grottoes para sa kanyang burol, habang dadalhin naman ang mga labi ni Fr. Cometa sa Our Lady of Mount Carmel Parish sa Project 6, kung saan siya nagsilbi bilang Parochial Vicar.

Inihayag din ng Diocese of Cubao na ipalalabas ang karagdagang detalye hinggil sa kani-kanilang funeral arrangements sa mga susunod na araw.

Sa pahayag ng diyosesis, ipinagkatiwala ng Simbahan sina Fr. Cometa at Fr. Ty sa mapagmahal na awa ng Panginoon, bilang pasasalamat sa biyaya ng kanilang buhay, bokasyon sa pagkapari, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan.

Hiniling din ng Diyosesis ng Cubao sa mga mananampalataya na ipanalangin ang walang hanggang kapahingahan ng kanilang mga kaluluwa, gayundin ang kanilang mga pamilya, kapwa pari, kaibigan, mga pamayanang parokyal, at lahat ng nagluluksa sa kanilang pagpanaw.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 22,524 total reads

 22,524 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 44,008 total reads

 44,008 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 83,460 total reads

 83,460 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 117,588 total reads

 117,588 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 173,993 total reads

 173,993 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 22,525 total reads

 22,525 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top