Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 242,043 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!  

Lumabas noong isang linggo ang report ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ) na tumukoy sa mga contractors ng mga kuwestyonableng proyekto sa mga paaralan. Marami sa kanila ay contractors din ng mga palpak o pekeng flood control projects. 

Mula 2016 hanggang 2026, nakakuha sina Curlee at Sarah Discaya ng kontratang may halagang mahigit 13 bilyong piso para sa mga imprastraktura sa mga paaralan. Sa ilalim lang ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte, nakakuha ng mga proyekto sa mga paaralan ang kanilang mga kumpanya na Alpha & Omega at St. Timothy. Batay sa records ng Department of Public Works and Highways (o DPWH), ang ahensyang inatasang magtayo ng mga silid-aralan, nakakuha ang mga Discaya ng mga kontratang nagkakahalaga ng mahigit 232 milyong piso sa Bulacan 1st District Engineering Office. Matatandaang inamin sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Brice Fernandez, dating engineer ng DPWH sa Bulacan, na lahat ng proyekto, kasama ang mga classrooms, sa Bulacan 1st District ay overpriced (o tinaga ang presyo) o underdesigned (o tinipid). Aniya, 30% hanggang 50% lamang ng contract cost ang talagang ginastos para sa mga proyekto. Samantala, hindi lalampas sa 10% ang napupunta umano sa kickback sa mga pulitiko. Nahiya pa silang taasan ito dahil kung mas malaki pa ang kickback, magiging delikado ang mga substandard na school buildings para gamitin ng mga estudyante at mga guro. 

Kasama rin sa listahan ng mga kontratista ng mga paaralan ang kompanya ng magkapatid at dating mga mambabatas na sina Christopher at Zaldy Co. Sa loob ng sampung taon, mahigit isang bilyong piso ang halaga ng mga kontratang nakuha nila. Karamihan sa mga proyektong nakuha nila ay matatagpuan sa probinsya ng Albay, ang balwarte ng magkapatid na pulitiko. Bagamat dati nang nakakakuha ng kontrata sa mga paaralan ang kanilang kumpanya, bumulusok ito sa itaas ng listahan ng mga school contractors sa unang bahagi ng administrasyon ni Pangulong BBM. Matatandaang naging chairperson ng House Committee on Appropriations si Zaldy Co bago tumakas at magtagô matapos pumutok ang flood control scandal. 

Maraming problemang kinakaharap ang sektor ng edukasyon. Nariyan ang pagkabawas ng school days dahil sa matinding pag-ulan at baha. Malaking alalahanin din ang karahasan sa mga paaralan. Heto at dumagdag pa ang nangangamoy na katiwalian sa mga gusali at silid-aralan. Ligtas nga ba ang ating mga anak sa mga paaralang may mga gusaling tinipid ng mga kontratista? Hanggang kailan magtitiis ang mga guro at estudyante sa mga siksikang silid-aralan? May napakalaking pondo naman para magpatayo ng mga classrooms pero nakagagalit na hindi ito napupunta sa dapat paggamitan.

Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, kinokompromiso ng katiwalian ang tungkulin ng pamahalaan. Sinisira nito ang relasyon sa pagitan ng taumbayan at ng mga namamahala, na nagdudulot ng hindi paghahatid ng mga serbisyo. Sabi nga ni Pope Francis noon, ang mahihirap ang nagbabayad sa katiwalian. Sa paglaganap ng katiwalian, ang taumbayan, lalo na ang mahihirap na umaasa sa mga serbisyo ng pamahalaan, ang nawawalan. Kung mapatutunayang may pagnanakaw sa pondo para sa mga school buildings, ang mga estudyanteng Pilipino ang nawawalan.

Mga Kapanalig, tulad ng sinasabi sa Exodo 23:8, “ang [katiwalian] ay bumubulag sa katuwiran ng tao.” Sa pamahalaan ngayon, marami ang nabubulag sa salapi, at tungkulin nating panagutin sila. Kaya huwag nating tantanan ang mga tiwali na nakinabang hindi lang sa mga flood control projects, kundi pati sa konstruksyon ng mga paaralan. Hindi lang mga silid-aralan ang kanilang ninanakaw. Ninanakaw din nila ang kinabukasan ng ating kabataan. 

Suminyo ang katotohanan. 

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 28,145 total reads

 28,145 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 52,677 total reads

 52,677 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 91,470 total reads

 91,470 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 125,598 total reads

 125,598 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 182,004 total reads

 182,004 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 52,678 total reads

 52,678 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 91,471 total reads

 91,471 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 125,599 total reads

 125,599 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 182,005 total reads

 182,005 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top