2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,058 total reads

Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29 at 30, 2026 bilang panawagan sa pamahalaan na tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni PISTON President Mody Floranda na hindi lamang mga tsuper at operator ang direktang naaapektuhan ng oil price hikes kundi pati ang mga manggagawa at ordinaryong mamamayan dahil sa epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

“Sapagkat kasabay niyan [pagtaas ng presyo ng petrolyo] ay ‘yung pagtaas sa mga bilihin na hindi naman halos makasabay ‘yung maliit na kita’t sahod ng ating mga manggagawa.” Bahagi ng pahayag ni Floranda sa Radyo Veritas.

Kabilang sa pangunahing panawagan ng grupo ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pagtanggal o pagsususpinde sa excise tax at value-added tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Floranda, malaking bahagi ng kinikita ng mga tsuper ang napupunta sa gastos sa krudo at mga buwis.

“Kaya’t itong mga drayber ay nakakakonsumo kami ng 30 liters per day, ay halos higit 500 pesos, 500 pesos kada araw ‘yung diretso sa buwis na binabayad natin sa pamahalaan.” Dagdag pa ni Floranda.

Para kay Floranda, hindi sapat ang mga pansamantalang ayuda kung hindi matutugunan ang mga polisiya na nakaaapekto sa presyo ng petrolyo.

“’Yung isa pang tulong pangkabuhayan na sinasabi ng gobyerno ay ito ay pating-pating, pating-pating lamang at hindi totally nire-resolve ng gobyerno ‘yung kasalukuyang kalagayan natin sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.” Ayon kay Floranda.
Iginiit din ni Floranda na sa halip na amyendahan lamang ang Oil Deregulation Law, nais ng grupo na tuluyang ipawalang-bisa ito, dahil sa pananaw ng grupo ay hindi nito naprotektahan ang interes ng mga tsuper, operator at consumer sa nakalipas na mga taon.

“Sapagkat napatunayan sa loob ng 28 taon na ito ay hindi naman talaga nagbalanse sa mga drayber at operator at sa ating mga mamamayan, kundi bagkus ay nagproprotekta lamang ito sa malalaking kumpanya ng langis.” Ani Floranda.

Binigyang-diin ni Floranda na hindi lamang sektor ng transportasyon ang dapat makialam sa usapin ng presyo ng petrolyo dahil direktang nakakaapekto ito sa halaga ng pagkain, serbisyo at pamumuhay.

“Ang isyu ng langis ay hindi lamang isyu ng mga tsuper at hindi lang isyu ng mga operator, kundi ito ay isyu ng mga mamamayang Pilipino. Sapagkat lahat ng galaw natin dito sa ating bansa ay nakatali, ‘no, nakasalalay sa presyo ng petrolyo.” Dagdag pa ni Floranda.

Ayon sa mga ulat, inaasahang lalahok sa tigil-pasada ang mga tsuper at operator kasama ang ilang labor, urban poor at commuter groups kung saan tinatayang hanggang 70,000 ang inaasahang sasali ayon sa PISTON.

Kabilang sa mga lugar sa Metro Manila na maaaring maapektuhan ng dalawang araw na tigil-pasada ang Cubao-Marikina-Antipolo, Commonwealth, España, Monumento, Novaliches, Baclaran, Pasig, Taguig, Sucat at Alabang.

Para kay Floranda, ang panawagan ng sektor ay nakaugat hindi lamang sa kabuhayan ng mga tsuper kundi sa epekto ng presyo ng langis sa buong lipunan.

“Kaya’t tayo ay nanawagan tayo sa ating mga mamamayang Pilipino na dapat maunawaan at dapat samahan ng mga commuter ‘yung anumang mga pagkilos ng sektor ng transportasyon sapagkat wala naman pong ibang titindig para ipagtanggol ang kabuhayan at karapatan sa serbisyo para sa mga mamamayan kung hindi po ang mga drayber at ang mga mamamayang Pilipino.” Panawagan ni Floranda.

Sa kasalukuyan sinabi ng Department of Energy, na nagpapatuloy ang fuel subsidy program para sa mga public transport operators at drivers kung saan pagsapit ng Setyembre 9, 2026 mahigit ₱718 milyon na fuel subsidies ang na-avail ng higit 102,000 PUV beneficiaries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 92,177 total reads

 92,177 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 125,510 total reads

 125,510 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 157,654 total reads

 157,654 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 223,713 total reads

 223,713 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 237,110 total reads

 237,110 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top