Kultura at pang-unawa sa pagiging tao, sisirain ng AI- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,150 total reads

Nagbabala si Pope Leo XIV na maaaring magdulot ang Artificial Intelligence o AI ng pagkasira ng kultura at makaapekto sa pag-unawa ng tao sa tunay na kahulugan ng pagiging tao.

Ito ang binigyang-diin ng Santo Papa sa kanyang talumpati sa UNESCO headquarters sa Paris, France nitong Biyernes.

“A fundamental question deserves to be explored, one that urgently calls for a response: What does it mean to be human?,” ayon sa mensahe ni Pope Leo IV.

Ayon kay Pope Leo XIV, maaaring palalain ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at Artificial Intelligence o AI ang pagkalat ng maling impormasyon at paggamit ng mga salitang nawawalan ng tunay na kahulugan.

Dagdag pa ng Santo Papa, “Every culture is challenged by this question, which lies at the heart of every form of knowledge, every art and every religion. Even in the twenty-first century, after all, we cannot take for granted that we know who the human person is or what it means to live as a human being.”

Sa halip na makatulong sa malinaw na pag-uusap, maaari aniyang maging hadlang ang mga ito sa tunay na pagkakaunawaan ng mga tao.

Binigyang-diin ng pinunong pastol na bagama’t kayang magproseso at mag-ugnay ng napakaraming datos ng AI, hindi nito kayang sagutin ang mahahalagang tanong tungkol sa kahulugan ng buhay ng tao, na nakaugat sa tunay na karanasan.

“The corruption of culture which we are considering finds its redemption in the public square of Pentecost,” he said. “There, a message of peace is received as good news by people of every nation. This message proclaims the resurrection of Jesus, that is, the victory of life over death and the salvation that gives hope to the world,” ayon kay Pope Leo.

Nagbabala rin ang Santo Papa laban sa paggamit ng siyensya at teknolohiya bilang paraan ng pagkontrol sa iba, dahil maaari nitong malagay sa panganib ang dignidad ng tao.

Binigyang-diin ni Pope Leo na dapat higit na pangalagaan ang mga pinaka-mahina sa lipunan, kabilang ang mga bata, matatanda, persons with disabilities, migrante, refugee at iba pang itinuturing na hindi na produktibo.

Para sa Santo Papa, ang paraan ng pagtrato sa mga mahihina at naaapi ang isa sa pinakamahalagang sukatan kung tunay na iginagalang ng lipunan ang dignidad ng bawat tao.

Sa kanyang pagbisita sa UNESCO, binigyang-diin din ni Pope Leo ang kahalagahan ng katotohanan at pagkakaisa, at ang pangangailangang gamitin ang kaalaman at teknolohiya para sa kapayapaan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 115,861 total reads

 115,861 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 149,190 total reads

 149,190 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 181,334 total reads

 181,334 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 247,396 total reads

 247,396 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 259,229 total reads

 259,229 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top