National historical marker, ipinagkaloob ng NHCP sa Kumbentong Agustino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,960 total reads

Tiniyak ng Salesians of Don Bosco sa Mandaluyong City na paiigtingin ang pangangalaga sa mga gusaling may natatanging ambag sa mayamang kultura at kasaysayan ng Simbahan at ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni Fr. Bernard Nolasco, SDB, rector ng Kumbentong Agustino ng Mandaluyong, kasunod ng unveiling ng national historical marker ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa makasaysayang gusali.

Binigyang-diin ng pari na bahagi ng pagpapanatili ng mahalagang gusali ang pagkukumpuni at pagpreserba nito, kabilang na ang planong gawing museo ang 370-taong-gulang na Kumbentong Agustino sa Mandaluyong upang maipasa sa susunod na henerasyon ang mahalagang kasaysayan nito.

“Una, ang commitment namin ay hindi ’to masira. Aayusin ang dapat i-repair at magiging museo ito sapagkat hindi lang ito bato; ito’y buhay na bato. May istorya, may kasaysayan,” pahayag ni Fr. Nolasco sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng Salesianong pari na higit pa sa isang lumang estruktura ang kumbento dahil nagsilbi itong saksi sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Simbahan at ng bansa.

Mula nang itinayo ng mga misyonerong Agustino tatlong siglo ang nakalilipas, dumaan ang gusali sa iba’t ibang gamit, tulad ng pagiging kumbento, bahay-ampunan, at kalaunan ay tahanan ng San Carlos Seminary mula sa dekada 1930 hanggang 1953.

Ayon kay NHCP Chairman Regalado Jose Jr., sa kabila ng mahalagang papel ng gusali sa kasaysayan, nananatili itong hindi gaanong kilala ng publiko, maging sa Mandaluyong at sa Metro Manila.

“Lingid sa kaalaman ng nakararami, sa apat na sulok ng Don Bosco Technical College dito sa Mandaluyong ay natatago ang isang pamana na masasalamin sa kasaysayan nito,” ayon kay Jose.

Kabilang sa mahahalagang pangyayaring iniuugnay sa kumbento ang paglalantad ni Teodoro Patiño kay Padre Mariano Gil ng lihim na samahan ng Katipunan, na naging mitsa sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino.

Sa panahon ng mga Amerikano, napasailalim sa Archdiocese of Manila ang pangangalaga sa kumbento at ginawa itong San Carlos Seminary.

Nang lumipat ang seminaryo sa kasalukuyang lugar nito sa Guadalupe, Makati City, ipinagkatiwala ang gusali sa mga Salesiano ni San Juan Bosco.

Naging daan ito sa pagtatatag ng noo’y Don Bosco Technical Institute, na kasalukuyang Don Bosco Technical College.

“Sa ganoon, naging instrumento ang gusaling ito sa pagtaguyod at paghubog ng kabataang Pilipino mula pa noon hanggang ngayon,” aniya.

Samantala, naniniwala si Fr. Nolasco na mahalagang maipakita sa mga kabataan ang ganitong kasaysayan upang makita ng bagong henerasyon ang ugnayan ng pananampalataya, ng Simbahan, at ng bayan.

“Sa mga kabataan, nakikita nila na may halaga ang kasaysayan ng buhay ng ating bayan, ng buhay ng Simbahan, at ng buhay ng kanilang pananampalataya,” ani Fr. Nolasco.

Samantala, sinabi ni Jose na ang paglalagay ng national historical marker ay dapat magsilbing paalala sa publiko ng kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga pamanang pangkasaysayan ng bansa.

“Nawa’y ang panandang pangkasaysayan na ito ay magdulot ng pagkamulat sa ating lahat at maging daan sa mas aktibong pakikibahagi sa pagprotekta at pangangalaga sa ating mga yamang pamana,” ani Jose.

Palalakasin pa ng Don Bosco ang pagpapakilala sa publiko sa makasaysayang gusali, lalo na sa pagsapit ng 2028, sa ika-75 taon ng pananatili ng mga Salesiano sa dating lugar ng San Carlos Seminary.

Sa pamamagitan ng planong museo, nais ng Don Bosco na manatiling buhay ang kasaysayan ng kumbento at maging lugar ito ng pagkatuto para sa mga kabataan at iba pang bibisita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 88,755 total reads

 88,755 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,165 total reads

 174,165 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,006 total reads

 238,006 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,244 total reads

 319,244 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 398,108 total reads

 398,108 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top