Holy Shroud of Turin, isang makapangyarihang kasangkapan sa ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,548 total reads

Inihayag ng isang sindonologist na hindi lamang tanda ng pagpapakasakit ni Hesukristo ang Holy Shroud of Turin kundi isang makapangyarihang kasangkapan sa ebanghelisasyon sa pagbabalik-loob ng mga tao.

Ayon kay Fr. Joseph Andrew Spence, FFM, mahalaga ang Shroud bilang instrumento upang mas mailapit ang mga tao sa pagdurusa ni Kristo at sa pag-ibig na kanyang ipinamalas para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“The shroud is a very powerful tool for evangelization,” ani Fr. Spence.

Paliwanag ng pari na makatutulong ang Holy Shroud para mapalalim ang pag-unawa ng mga mananampalataya sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.

“The shroud can just give us again so many details on the passion of Christ,” dagdag ng pari.

Samantala, sinabi ni Sr. Claudine Laurice Esguerra, MSHFJ, coordinator ng Holy Face of Jesus Devotion Propagation, na isa sa mga pangunahing bungang iniuugnay nila sa debosyon sa Holy Face of Jesus ang pagbabalik-loob ng mga tao.

“Usually po ay conversion of sinners talaga yung first miracle. Actually, the congregation was founded because of that,” ani Sr. Claudine.

Ibinahagi ng madre ang salaysay ng maraming deboto kung paano muling nailalapit sa Diyos at sa Simbahan ang kanilang mga asawa at kaanak dahil sa kanilang debosyon.

Ayon kay Sr. Claudine, ang karanasang ito ang naging bahagi ng inspirasyon sa pagtatatag ng kanilang kongregasyon matapos makita ng kanilang foundress, na si Mo. Teresa Vicente, ang epekto ng unang Holy Shroud exhibit sa Manila Cathedral noong 1976.

Samantala, bagama’t patuloy na pinag-aaralan ang authenticity ng Shroud, binigyang-diin ni Fr. Spence na hindi ito maaaring ituring na isang bagay na mapatutunayan nang may ganap na siyentipikong katiyakan.

“We’ll never have scientific certainty because no one was in the empty tomb… What we can reach though is… moral certainty,” ani Fr. Spence.

Sinabi ng pari na ang mga markang makikita sa Shroud ay makatutulong upang higit pang maunawaan ang pagpapakasakit ni Kristo.

Aniya, nakapagtala ang mga eksperto ng 372 magkakahiwalay na sugat sa katawan ng isang lalaki na nakikita sa Shroud, kabilang ang mga bakas ng paghampas at mga sugat sa tagiliran.

Gayunpaman, sa diwa ng pananampalataya, sinabi ni Sr. Claudine na malinaw ang pagkakakilanlan ng lalaking nakikita sa Shroud.

“If you’re a believer, you say that the man on the shroud is Jesus of Nazareth,” ani Sr. Claudine.

Patuloy namang dadalhin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang debosyon at mga exhibit kaugnay ng Holy Shroud, kabilang ang nakatakdang exhibit sa Most Holy Rosary Parish sa Jose Panganiban, Camarines Norte, mula October 23 hanggang 26.

Kasalukuyang nasa exhibit sa Manila Cathedral ang replica ng Holy Shroud of Turin hanggang October 16, kung saan tampok dito ang mga replica ng isang three-dimensional image ng taong nasa Shroud, Passion relics, at iba pang larawan at relikya na kaugnay ng debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 127,283 total reads

 127,283 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 159,014 total reads

 159,014 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 260,840 total reads

 260,840 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 301,397 total reads

 301,397 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 316,624 total reads

 316,624 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top