Tunay na debosyon kay Jesus Nazareno, higit pa sa paghawak ng andas at paglapit sa imahen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

Inihayag ng isang historian na ang tunay na diwa ng debosyon sa Poong Jesus Nazareno ay higit pa sa paghawak sa andas o paglapit sa imahen tuwing Traslacion.

Ayon kay Prof. Xiao Chua, PhD, sa kanyang plenary talk sa kauna-unahang National Conference of Spiritual Directors of Jesus Nazareno Devotees sa Quezon City nitong October 9, ipinamamalas ng mga deboto tuwing prusisyon ang pagtutulungan at pakikipagkapwa-tao.

Ayon kay Chua, ang mga debotong nagtutulungan sa gitna ng siksikan at mapanganib na prusisyon ay nagpapakita kung paano naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.

“Ang hari ay hindi lamang nasa andas, ang hari, ang Señor, ay nasa puso ng bawat debotong tumutulong at nakikipagkapwa-tao,” ayon sa pahayag ni Chua.

Binigyang-diin ng historyador na ang tunay na ginhawang hinahanap ng mga deboto ay hindi lamang nakasalalay sa pisikal na paglapit sa banal na imahen, kundi sa pakikiisa sa kapwa sa gitna ng hirap at sakripisyo tuwing pista sa January 9.

“Dahil ang debosyon ay pag-aasam ng ginhawa. Saan nakukuha ang ginhawa? Hindi sa andas, kundi sa pakikipagkapwa-tao, sa gitna ng pakikibaka ng prusisyon,” paliwanag ni Chua.

Ibinahagi ni Chua na, batay sa kanyang pananaliksik sa debosyon sa Jesus Nazareno, makikita ang diwa ng bayanihan sa mga mamamasan na umaalalay sa kanilang kapwa deboto, tumutulong sa pagtawid ng mga tao, at nagtutulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Iginiit ni Chua na hindi dapat agad ituring na ‘fanaticism’ ang mga kilos ng mga deboto nang hindi inuunawa ang kanilang panata, mga paniniwala at karanasan sa pananampalataya.

Hinimok ni Chua ang mga pinuno ng Simbahan na higit na pakinggan ang mga deboto upang maunawaan ang kahulugan ng kanilang debosyon at mapanatili ang pagkakakilanlang Pilipino ng Traslacion na nakaugat kay Hesukristo.

“I hope sa mga susunod na panahon, mapakinggan natin ang puso ng mga mamamasan, maibalik natin ang kalikasan, yung character, at yung pagka-Pilipino ng Traslacion,” ani Chua.

Dumalo sa kauna-unahang pagtitipon ng mga spiritual directors’ ng mga deboto ng Jesus Nazareno ang may 40 na pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa, kasama ang mga head lay ng mga sangay ng deboto ng Hijos del Nazareno na katuwang ng Quiapo Church sa pangangasiwa sa mahigit 30,000 kasapi ng mga balangay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,327 total reads

 13,327 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,332 total reads

 112,332 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,602 total reads

 156,602 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,713 total reads

 179,713 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,061 total reads

 254,061 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top